Chapter 34
"H--hindi ko alam kung paano ako maguumpisa ng pasasalamat,sa lahat-lahat.Hindi ko alam k--kung Papaano ko mababayaran ang kabutihan mo."
"Tama si Dana,ikaw ang nagsilbing tagapagligtas ko sa lahat ng pagkakataon."Namamalisbis ang luha sa mga mata ng dalaga.
"At patawarin mo ako,dahil mali ang pagkakakilala ko sayo noon."
"Salamat Henry,maraming salamat!"Tutop ng isang paa ang mukha na patuloy sa pagiyak ang dalaga,nabagbag ang kalooban ng binata,lumuhod ito sa harap ng nakayupyop na dalaga.Buong pagmamahal na itinaas ang mukha ni Trisha,pinahid ang mga luhang tumutulo sa pisngi.
"Trisha,di mo kailangan ang magpasalamat,buhay ko man ay ibibigay ko pa.Ng mawala ka hindi ko na ibig mabuhay, pilitin ko mang kalimutan ka ay di ko magawa,m--mahal kita Trisha,mahal na mahal."
"Pilit kong binubura ang kabuuan mo sa isip ko,pero wala akong lakas na gawin yon.Pilit kitang inihahambing sa ibang may kapansanan,ngunit mali ako,Ang isa nga palang nagkamali ay di mo dapat ipaako sa iba,ako dapat humingi ng tawad,Trisha sa kakitirang isip ko,sa pagiging makasarili.."
"Trisha,sabihin mo ang dapat kong gawin para maniwala kang mahal na mahal kita."
"Ang nagawa mo sa akin ay sapat na,papa'no ako magiging karapat-dapat sa'yo gayung marami ang kulang sa akin...p-paano ko maipapadama ang...."Tinakpan ni Henry ng dalawang daliri ang labi ni Trisha,kahit hindi pa tapos magsalita.
"Trisha....."titig na titig ang binata.
"M--mahal din kita,Henry.H-hindi ko madaya ang aking sarili,ikaw ang hinahanap ng puso ko."
Umaliwalas ang mukha ng binata.Niyakap ng mahigpit ang dalaga.
"Wala kang kulang Trisha,ikaw ang isinisigaw ng puso ko.Umasa ka pakakamahalin kita!"
Muling ginagap nito ang mukha ng dalaga,at ginawaran ito ng mainit na halik sa labi.
At kapwa humulagpos ang mga damdamin na matagal na nakakuyom sa kanilang dibdib.
"Mahal na mahal din kita Henry!"
Matagal na naghinang ang kanilang mga labi,kapwa sabik sa isa't-isa na ipinagkait ng matagal na panahon.
Sakay ng isang air-con bus si Sofia pabalik ng Maynila,gali na galit ito sa dalawang lakaki lalo't higit kay Henry.
Naniningkit ang mga mata nito sa ngitngit at panggigigil,hindi malimutan ang pagiwan sa kanya ng binata,at ang babaeng nagngangalang TRISHA."Kung sino ka man alam kong ikaw ang dahilan ng pagbabago ni Henry.Hindi ako papayag na agawin mo si Henry sa akin,isinusumpa ko hahanapin kita kahit saan!!"
Gigil na gigil ang babae.Alam niya na nasa Maynila na ang dalawang lalaki,kaya duon sa bahay nila Henry ito tumuloy.
Matapos pagbuksan ng pinto ang dalaga,tuloy -tuloy itong pumasok sa loob ng bahay,ni hindi pinansin ang ina ni Henry na nasa kanyang halamanan at nagdildilig.Na sinundan ng nagtatakang tingin ng Ginang ang dalagang bagong dating.
Namataan nito ang nakababatang kapatid ni Henry.Naglalaro ito ng games sa cellphone.
"Nasa'n ang kuya mo?"
"N--nasa itaas ate Sofia."galit yata sabi sa sarili.Naiwan itong napatunganga dahil kita nya ang mukha ni Sofia na galit ito.
Animo sarili nito ang bahay tuloy -tuloy sa ikalawang palapag.Pagtapat sa kwarto ng binata ay pandalas ang katok nito.