Ang Mahal Kong Kulang

242 3 0
                                    

                       Chapter 38

Tuwang-tuwa at masayang-masaya si Trisha ng igala ang paningin sa kanilang bakuran.Pakiwari niya ay nadagdagan ang mga tanim n'yang halaman.Iba't-ibang mga bulaklak at iba't-ibang kulay,gumanda lalo sa paningin,halatang alaga iyon at napakalinis ng paligid.Ramdam na ramdam niya ng gaan sa kalooban at ang kapayapaan ay tila natagpuan niya sa lugar na iyon.Sa kanilang lugar,sa kanilang tahanan.

"Tao po,tao po...."Walang sumasagot.
Naulinigan s'ya sa katabing bahay.At lumabas ang matandang babae si Apung Senang.

"A--Aba,si Trisha yata ito,ah?"

Lumapit si Trisha at Dana sa matanda at nagmano dito.Iniyukod ni Trisha ang kanyang noo sa matanda.At itinaas naman ng matandang babae ang kamay patungo sa noo ni Trisha.Habang si Dana ay inabot ang kaliwang kamay nito at nagmano.

"Kawaan kayo ng Panginoong Diyos!"sabi nito.

"Naku,pagkaganda-ganda pa rin ng mga batang are,"Ngiti ng matanda.

"E,Apung Senang,nasa'n po ba ang mga tao dito?"anang Trisha.

"Naku,wala ng nakatira diyan sa bahay n'yo,may sarili ng bahay.Pero inaalagaan pa rin nila ng paglilinis at paghahalaman kahit di na sila d'yan nakatira,mahilig din pala sa paghahalaman yung mag-asawa kaya tingnan n'yo ang lulusog at ang gaganda ng mga bulaklak."Mahabang sabi ng matanda.

"Ganun po ba.."Iginalang muli ang paningin sa paligid,siyang-siya ito.

Ilang buwan na sila ruon,pilit iwinawaksi sa isipan si Henry.Nagpakatatag ito,itinuon ang isip sa pagtatanim at ginawa na rin itong negosyo na s'ya ngayong bumubuhay sa kanilang magkapatid.Katulong si Dana at isa pang apo ni Apung Senang.

"Ang gaganda ng mga bulaklak,ano,Yoyi?"

"Oo nga,magaling kasing magalaga ang ate mo kahit wala s'yang mga kamay tingnan mo o,hitik na hitik sa halaman at mga bulaklak ang paligid."
Komento ni Yoyi,habang hinahakot ang mga bulaklak.

"Dalian natin Dana,ihahatid ko pa ang mga ito sa bayan,marami kasing order ng mga rose,daisy at mga orchids na gagamitin sa parada para sa pistang bayan."

"Oo eto na,"sagot ni Dana.Abala rin sa isang kubol si Trisha,inaayos ang mga bulaklak na ihahatid ni Yoyi sa bayan.Panatag na ang loob niya ngayon,dahil kahit paano nakaluwag-luwag na sila ni Dana sa pang araw-araw na gastusin,at nagaaral na uli ito ngayon.Nakakaipon na rin siya kahit papano.Ang ibinigay ni tiya Mida sa kanya ay hindi nagagalaw,itinabi n'ya iyon.

At magkakaroon na sila ng puwesto sa bayan para sa binabalak n'yang flower shop.

Sa wari ay nakalimutan na ni Trisha kung ano man ang sa kanya ay nagdaan ang naranasan nya sa Maynila,ang pagdukot sa kanya,ang umibig na muli na wala ring kinahantungan,ang ipagparaya na lang sa iba ang pagibig na inukol n'ya kay Henry.Kalilimutan na lang niya iyon ang magmahal na muli,itutuon na lang niya ang isip sa pagtatrabaho at sa pagaaral ni Dana para sa kinabukasan nito.

Hindi na n'ya bibigyang puwang muli ang puso,para umibig muli.Sapat na ang mga kabiguang dinanas.

Ngunit parang may pumipigil sa damdamin,ayaw nitong pumayag sa iniisip ng puso,Na hindi matutuldukan ng dalaga ang gusto nitong mangyari,Ang tutuo'y may nami-miss siya,nangungulila.Pilit man niyang kalimutan ay di niya magawa.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now