Chapter 3

1.2K 45 12
                                    

Jenilene's POV

Mag aalas dos na ng umaga pero maingay parin sa labas, hindi ko kayang makatulog dahil natatakot ako na baka may makapasok dito sa loob. Nakahiga parin ako sa kama at nilalakasan ang loob. Mga ungol, putok ng baril, sigawan ang lagi kong naririnig sa labas, maraming humihingi ng tulong ngunit wala namang tutulong dahil lahat sila ay nangangailangan ng tulong. Itinoon ko nalang ang aking atensiyon sa hawak kung cellphone at tinignan ang mga post.

"Hi Guys, Sino pa ba buhay? Comment down" sabi ko sa post ko, sana nga may mag comment. Pagkatapos kung mag post ay nagpatuloy ulit ako sa pagtingin sa mga post.

"Guys, chat me...boring kasi dito, nakakatakot din." post ko ulit, nang ma post ko na ay may bigla akong narinig na isang kaluskos. Dahil sa isang sigaw ay na untog ako sa isang bookshelf kaya napa hawak ako sa aking ulo dahil sa sakit.

Takot ako peri kinaya kung lumabas ng kwarto at kinuha yung kahoy na nakita ko sa gilid ng kusina. Sana hagdan na ako, dahan-dahan akong bumaba habang nakahanda sa susunod na mga mangyayari. Na istatwa ako sa aking nakita dahil nakapasok na ang ibang mga infected dito sa loob. Paano sila nakapasok dito? Dahil sa isang infected na malapit sa akin ay hindi ko naiwasan ang sumigaw kaya napukaw ko ang kanilang atensiyon. Dahil doon ay tumakbo na ako pabalik sa itaas, hingal na hingal ako sa kakatakbo pero kinakaya ko dahil ayaw ko pang mamatay. Nang makapasok na ako sa isang kwarto ay kaagad ko na ni lock ang pinto at gumawa ng paraan upang hindi sila tuluyang makapasok. Dahil sa sobrang takot ay nagulat nalang ako ng mahila ko ang isang study table upang gawing harang sa pinto. Shit, ang bigat ng study table na 'yon pero nakaya ko? Ganito ba talaga kapag takot ka? Nagiging malakas ka? Pero alam kung hindi parin ito sapat dahil masisira na ang pinto. Wala na akong matatakasan, hindi naman ako puweding tumalon dito sa bintana dahil mataas.


End of POV

Jerlyn's POV

"Jerlyn, what should we do now?" tanong ni Woonie.

"Hindi ko alam."

"Hindi pa tayo ligtas. " wika niya. "Hindi ako bobo, woonie. Alam kung hindi tayo ligtas!" singhal ko.

"Gusto ko na umuwi, Jerlyn.... I need to see my parent too!" naiiyak nitong sabi, alam naman niya na wala na din ang kanyang pamilya dahil nung huling tumawag siya sa kanila ay sumigaw yung mama niya. Nakakasiguro ako na infected na din sila. Mahirap man itong tanggapin ngunit wala na tayong magagawa pa.

"Kanina pa tayo lakad ng lakad...masakit na yung paa ko." pagreklamo nito. "Tiisin mo kung ayaw mong maging katulad nila." inumaga na kami sa paglalakad, inaamin ko....nawawalan na din ako ng pag-asa na makita ko pa muli si Trisha.

"Takbo!" sigaw ni Woonie kaya tumakbo na din ako. May mga tao kasi na tumatakbo na din habang hinahabol ng mga infected. Kailan pa ba matatapos ito?

End of POV

Pearl's POV

"Pearl sandali." bulong niya kaya napatigil ako sa pag lalakad nang biglang may mga tao na nagsisitakbuhan papalapit sa aming kinaruruunan. Wala kaming choice kundi tumakbo na din kasama ang ibang mga tao. Hingal na hingal na kami sa kakatakbo, nahuhuli na din ako kaya hinawakan ni Trisha ang aking kamay upang hindi ako maiwan.

"Tabi!" rinig kong sigaw ng isang matabang lalaki at itinulak niya ako at napa sandal ako sa dingding ng iskinita. I feel dizzy that time, hinawakan ko ang aking ulo at may nakapa akong isang malapot na liquid..I think isa itong dugo, malakas kasi ang impak ng pagkasandal ko sa sementong dingding kaya siguro dumugo itong head ko.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon