Chapter 24

321 20 0
                                    

Robin's pov

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Aira

"Malapit na."

"Kanina ka pa nagsasabi na malapit na pero hindi pa tayo nakakarating." reklamo naman ni Trisha.

"Trisha, diba nga? Lumiko tayo dahil hindi tayo makaka daan sa main road because of those infected?" Oo nga pala lumiko kami kasi hindi kami makadaan kaya baka hapon na kami makakarating sa Hospital.

End of POV

Alyssa's pov

Nasa isang room kami ngayon upang gamutin ang ibang mga tao na may mga sakit. Marami rin ang mga nagrereklamo dahil sa gutom.

"Sa ngayon tiisin niyo na muna 'tong mga sandwich, mahirap kasi lumabas lalo na't padami ng padami ang mga infected." Rinig kung wika ni Alper habang namimigay ito ng mga sandwich sa mga pasyente. Pinagsisihan ko ng iniwan kita at sumama do'n sa manloloko kung bagong nobyo. Gano'n din naman ang ginagawa ng mga nurse nag bibigay din ng mga pagkain sa mga tao at ginagamot ang may mga ubo, lagnat lalo na ang mga matatanda at mga bata.

"Alyssa, paki hawakan muna, kukuha pa 'ko ng mga sandwich s--"

"Alper, last na 'yan, wala ng ibang pagkain." Wika ko sa kanya

"Marami pa ang hindi nakakakain."

"Sandali lang po muna, sa hindi pa na bigyan. Tiisin niyo po muna. Gagawa kami ng paraan para makakuha ng sapat na pagkain para sa lahat."

"Dok gutom na kami."

"Gutom na ang anak ko, dok."

"Ang unfair naman kung sila una makakain. Tapos kami hindi."

"Mag hintay nalang tayo, hindi naman tayo pababayaan ng mga Doctor."

"Gutom na talaga kami, sana naman ayusin niyo 'to h'wag kayong maging tanga."

"Excuse me, sir? Gumagawa na po kami ng way para makakain ang lahat. Hindi naman po kami naka tayo lang dito na walang ginagaw-" Hindi ko na natuloy ng hawakan ni alper ang aking braso. Pinapahiwatig niya na hayaan na.

"Don't worry po, gagawin po namin ang lahat to make you all full." Mahinahong sabi ni Alper sa lahat.

"Aba! Dapat lang!" sabi ng isang matandang lalaki.

"Kumilos na kayo!" Singhal ng isang lalaki sa amin. Kung umasta parang may naiambag. lumabas na muna kami ng room. Dahil magmemeeting pa kaming mga Doctor at ibang mga sundalo para sa gagawing paghahanap ng mga pagkain at mga gamot.

"So? Ano na gagawin? Ubos na ang pagkain." sambit ni Dr Cleah

"Don't worry, gagawa kami ng way para maka labas at makakuha na ng needs ng lahat." Wika ng isang babaeng sundalo.

"Sasama ako."

"Alper?" Sambit ko

"I want to help them."

"Dilikado po, Doc. Kaya na po nami-"

"Kung may kasama kayong Dr makaka tulong ako to find some medicine. Mga gamot na dapat kunin."

"Pero d--"

"Pumapayag man kayo o sa hindi wala na akong pakealam, basta sasama ako. PERIOD." Ang tigas din ng ulo mo alper kahit kailan.

"Mapapahamak kalang Alper."

"Alyssa, alam ko na ang nangyayari sa labas."

"Bahala ka." Tumayo na ako sa upuan upang lumabas. Agad ko naman isinara ang pinto ng malakas.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon