Alper's pov
"Doc ayos lang po ba talaga kayo?" Tanong ng isang sundalo na nag dadrive. Tumango lang ako bilang tugon. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Ilang oras din kami nandito pero, wala kaming mahanap na tindahan.
"Dilikado po na buksan ang bintana ng sasakyan, dok." Pagsita sa 'kin ng mapansin niya na binuksan ko ang bintana. Nag babaka sakali kasi ako na makita o masilayan ko man lang si Cheryl. Huminto na rin kami ng may mahanap na kami na isang store. Maingat naman kaming lumabas ng kotse. Naka handa naman ang mga kasama ko kaya no worries.
"Dalhin niyo na ang pweding dalhin. Kunin niyo ang kaya niyong kunin." Sambit ko sa kanila habang abala din ako sa pagkuha ng mga kakailanganin. Napahinto kami sa paglalagay ng mga pagkain at gamot ng magsalita ang isang babaeng sundalo.
"M-mga Infected!" Hindi nito napigilang sumigaw dahil sa pagka gulat. Sumulpot naman agad ang limang mga infected. Naging alerto naman ang mga sundalo at walang tigil nila itong pinagbabaril.
"Dok! Lumabas na po kayo dito bago pa po kayo madamay. At ang iba, ilabas niyo na ang dala niyong mga pagkain bago pa sila dumami." Sigaw ng isang sundalo habang abala sa pamamaril ng mga infected. Hindi rin ako nagdalawang isip pa na tumakbo. Agad ko ng dinala ang bag na may mga gamot at mga pagkain at agad na tumakbo palabas. Lima kaming lumabas ng store. Pinoprotektahan naman ako ng iba kaya ang magagawa ko lang ay tumakbo papunta sa loob ng sasakyan. Lingon lang ako ng lingon sa likod habang walang tigil sa pagtakbo.
"Bilisan niyo na!" Hindi ko naman na pansin na may nakabangga pala ako. Hindi ko naman alam kung tao o infected ito Unti-unti ko itong nilingon. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang masilayan ko ang isang babaeng akala ko'y hindi ko na muling masisilayan pa.
"C-Cheryl?" Pabulong kung tanong.
End of POV
Trisha's pov
"Ate? Ayos ka lang ba?"
"O-oo naman shang, hahaha."
"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Aira.
"Hindi ako nakaka sigurado, pero parang gano'n na nga." Sambit ni Gav habang seryoso parin sa kanyang pagmamaneho. Anong date na ba ngayon? Oo nga pala 2021 na. Hindi ko man lang naranasan yung new year. Actually wala namang may pake kung magbabagong taon na o ano pa man ang mga espesyal na okasyon dahil sa gulong nararanasan namin ngayon.
"February 13 na pala ngayon, bukas mag v-valentines na." panimula ni Jerylyn.
"Sus, ano naman kong feb 14? Ang dapat nating isipin ay kung makaka abot pa ba tayo sa pupuntahan natin o kung aabutan pa ba tayo ng umaga." Ang bitter naman ni Marvin. He's right. Makaka abot kaya kami sa aming pupuntahan?
"Trisha may ka date kana, oh." Bulong naman ni jerlyn. Iniinis ba niya ako or what? Biglang tumahimik naman ang lahat. Hindi ko alam pero parang may dumaan na kung ano. Nakakabingi na ang katahimikan. Wala ba silang reaksiyon sa sinabi ni jerlyn?
End of POV
Aira's pov
Lahat kami ay walang imik at seryoso lang na naka tingin sa daan, yung iba sa bintana. Binuksan naman ni Trisha ang radio.
"Hinaan mo yung volume."
"Ito na."
Kinukulayan ang isipan
Pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan
Patuloy ka lang masasaktan
![](https://img.wattpad.com/cover/206315363-288-k402681.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
Fiksi IlmiahFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)