Gavreel's POV
Natataka pa rin ako bakit wala sila dito sa loob ng sasakyan, sinabi ko naman kasi sa kanila na huwag silang lumabas pero lumabas talaga sila.
"I think.....nakidnap sila." seryosong sabi ni Chris. Nakidnap? Sino naman ang kikidnap sa kanila?
"Nakidnap na din ako dati, mabuti nalang nakatakas ako ako."
"Bakit?" tanong naman ni Jerlyn.
"Kinukuha nila ang ibang mga tao na kanilang natatagpuan at dinadala sa kanilang campo upang paglaruan." paglaruan? Kung may sasakyan man kanina, sana napansin namin.
"Huwag nga kayong advance....baka naabutan lang sila ng mga infected kaya tumakbo sila." latanya naman ni Jerlyn na nakapamiwang.
"May point ka....pero malakas ang kutob ko na kinuha sila." seryosong sabi ulit ni Chris.
"Umalis na tayo dito baka bumalik pa sila." tama si Chris, pero what if hindi talaga sila kinuha? Paano kung sinundan lang nila kami kanina?
"Kung nagpaiwan ako....edi sana pati ako nakidnap." bulong naman ni Jerlyn na sakto lang upang marinig namin ni Chris. Sumakay na ulit kami sa sasakyan ni Chris at nagpatuloy na sa pagbyahe.
"Bumalik kaya tayo? Baka naghihintay lang sila sa tabi-tabi." wika ko.
"Mapanganib na, Gav...mas mabuti kung magpatuloy nalang tayo." sana hindi ko nalang sila iniwan. Sana sinama ko nalang sila.
End of POV
Chelsea's POV
"Saan niyo ba kami dadalhin?" sabi ko habang nagpupumiglas. "Dami niyong satsat!" inis na sabi ng isang poging lalaki na naka suot na itim na mask na. Siya ang humawak sa akin upang hindi ako makatakas.
"Wala naman kaming ginawang masama!" sigaw naman ni Pearl. Nagmamakaawa na din si sister Theresa pero hindi nila ito pinansin.
"Ano ba! Wala ka bang galang pati madre sinusuntok mo?" sigaw naman ni Althea
"Tumahimik ka payatot!" sigaw ng isang lalaki. Natawa ako do'n kahit papa'no.
"Hoy, baboy...ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan?" aray, grabi ang bilis ng karma sa'kin. Dahil do'n ay tumahimik nalang ako at tumingin nalang sa labas upang hindi ako masaktan. Kanina pa kami nasa byahe kaya nakakabagot na din at tinatamad na din kaming pumalag sa kanila dahil hindi din naman kami makakatakas sa kanila. Kaya naisipan ko nalang na matulog. Kahit nasa dilikadong sitwasyon kami ngayin ay may gana pa talaga kaming matulog.
Nagising nalang ako nang bigla nalang akong sipain ng isang lalaki.
"Puwedi mo naman akong gisingin na hindi sinisipa!" reklamo ko habang iniinda ang pagsipa sa aking tagiliran.
"Bilisan mo, bumaba ka na."
"Oo na ito na, alam mo kuya pogi ka sana.....kaso lan--"
"Bilis!" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang hilahin na niya ako pababa kaya nahulog ako. Dahil sa kanyang ginawa ay nagkagalos ako sa aking braso.
"Chelsea!" rinig kong sigaw ni Pearl.
"Tumayo ka na d'yan!"
"My clear skin kuya...sinira mo!" kahit ang masakit yung ginawa niya hindi ko pa din pinapahalata sa kanila na nasaktan ako.
"Alam niyo mga kuya kung manunulak kayo ng tao dapat do'n sa cotton para naman hindi masira ang beauty ko. Try niyo kaya masubsub sa lupa...para malaman niyo yung pakiramdam." nginitian ko lang sila habang pinipilit kong tumayo.
BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
Science FictionFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)