Chapter 4

969 35 20
                                    

Gav’s POV

Mabuti nalang at nailigtas ko itong dalawang babae na ‘to. "Si Kris." Malungkot na sambit ni Chelsea, narinig ko kasi na tinawag siya na Chelsea kanina. "Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila’t tumango naman  agad sila bilang tugon.

"Ano’ng nangyari?" 

"Kuya? Ano po nangyari?" hindi ko sila sinagot bagkus ay lumabas ako upang tignan kung ano ang problema. "Flat" tipid kong sabi. “Kuya hindi po kami flat ‘no!”

"Ang ibig kong sabihin flat 'yong Gulong." Sabi ko sa kanilaa. “Ah, akala ko kung ano yung flat.  My Boobs is Laughing." Pabirong sabi ni Chelsea. "Yuck Chelsea." Padiring  sabi naman nung Pearl. “Maghanap muna tayo  ng mapagpahingahan,  bukas nalang muna natin ituloy dahil sira din naman yung gulong ng sasakyan.” Wika ko at kinuha ang bag na nasa loob ng sasakyan pagkatapos ay nagsimula na din kami sa paglalakad. "Kuya I'm wait for me." 

"Chelsea, wait for me, hindi I'm wait for me.” Pagtatama naman ni Pearl sa kaibigan. 

"Sorry naman Pearl." Sininyasan ko naman sila na huwag maingay dahil kanina pa sila daldal ng daldal.

"Sorry kuya, kuya akin kana  lang" sabing h'wag maingay  "Hoy Chelsea landi mo." 

"Hindi kaya, sakto lang." dahil do’n ay sinamaan ko sila ng tingin upang tumahimik na.

"Ay sorry po." Magsasalita pa sana ako nang may napansin akong mga infected hindi kalayuan sa amin, dahan-dahan kaming nagtungo sa likuran ng sasakyan upang magtago. "I die want!"

"I dont want to die kasi ‘yon Chelsea, hindi I die Want."  

"Shh!" Magsasalita pa sana si Chelsea pero pinigilan ko, kaya nga ayoko sana na may mga kasama dahil mapapahamak pa ako sa kanilang  pagi-ingay.  "Kuya, what we gonna do?" tanong ni Pearl, seninyasan ko sila na dito lang muna sila. "H'wag muna kayong lumabas hanggat hindi ko sinasabi..”

"Sige kuya"

"Kuya wait!" ani Chelsea.

"Ano?"

"Kuya anong perfume gamit mo, ang bango kasi." Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad malapit sa mga infected. "Hoy Chelsea…" siniko naman agad ito ni Pearl.  "Wait lang kuya!" 

"Pa arbor ng jacket mo, ang ganda at ang Bango kasi. "  isang ingay pa talaga itatarak ko na sa kanya itong hawak kong itak.  "Kuya…"

"Bakit na naman?" mahina kong sagot.

"I-ingat" Mamamatay kami sa kadaldalan nitong Chelsea na ‘to. Nag patuloy nako sa pag lalakad malapit sa isang infected upang patayin nang biglang.. "Kuya akin na rin sapatos mo kung sakaling makagat ka!" dahil sa sigaw ni Chelsea ay napansin na kami ng mga infected kaya hindi ko nagawa ang dapat kong gawin. "Run!" sigaw ko habang tumakbo pabalik sa kanila. Nahuhuli na din si Pearl sa pagtakbo kaya hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay upang hindi ito maabutan ng mga infected.  "Wait!" Hingal na sabi ni Chelsea.

“Tumakbo ka nalang kung ayaw  mo maging hapunan ng mga humahabol sa atin!” sigaw ni Pearl. Hinawakan ko din ang kamay ni Chelsea upang hindi din ito mahuli. Sa bawat pagtakbo naming ay mas lalong nadadagdagan ang mga infected na humahabol sa amin.

"Hindi ko na talaga kaya…"hingal na hingal na sabi ni Chelsea kaya wala na akong ibang choice  kundi isakay siya sa aking likuran upang hindi ito maiwan.

"Ang bigat mo!" reklamo ko.

"Bully ka sa ‘kin kuya…” hindi ko nalang ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Nahuhuli na din si Pearl kaya hinawakan ko ulit ang kamay nito. Kahit hirap ako ngayon sa aking sitwasyon ay kinakaya ko dahil gusto ko pa din mabuhay.  "Go kuya! Push mo 'yan. You're handsome hero my." Kung magsasalita lang siya ng english sana ayusin niya naman yung grammar. "Dito tayo bilis!" utos ni Pearl, lumiko kami sa kaliwang daan na medyo madilim, mabuti nalang at naligaw naming ang mga infected. Hindi ako mamamatay sa mga infected, mamamatay ako sa bigat nitong Chelsea. “Thank you, my self you save."ani nito nang ibaba ko na siya.  “Ang mabuti pa Chelsea itikum mo 'yang bibig mo. Dahil sa kadaldalan mo muntik na tayong mapahamak” reklamo ni Pearl na pawis na pawis dahil sa pagtakbo kanina. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad upang maghanap ng matutuluyan o masasakyan. 

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon