Chapter 17

383 24 0
                                    

Cheryl's pov

Mag aalasingko na din ng hapon, malapit na din umulan, ano na kaya ang nangyari doon sa kampo? Kumusta na kaya si Trisha? Sana naman nasa maayos lang siya.

"Kailangan nating magpatuloy. Maghanap na din ng masasakyan at makakain." Baliw ba 'tong Alper na 'to? Kakalabas lang kasi niya sa banyo, dahil naligo pa ito, naka towel lang ito. Alper pahawak ng Abs m-- este oo kailangan na nating umalis dito Alper at magpakasal na, charot. Assumerang Frog ka Cheryl inisip mo pa talaga 'yan ah.

"Cheryl, aalis na tayo maya-maya at--"

"P-pwedi ba h'wag kang haharap habang nagsasalita alper? Nakaka distract ang maumbok mo-- este nakaka distract ang katawan m-mo." Umiwas ako ng tingin, my God Cheryl.

"Ito na sandali." Bulong niya't nag suot na ng puting T-shirt. Kinukusot pa nito ang makapal nitong itim na buhok. Nawiwisikan ako ng ano niya~~~~ ng tubig sa buhok niya.

"M-maghahanap muna k-ko ng pagkain. Siguro naman may iba pang makakain dito sa bahay." Tumayo na din ako sa kinauupuan ko. Aalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako.

"Nasa isang kwarto may nakita akong isang Diary Milk, lima." Ohh? Diary milk awit, sana kinuha nalang niya kanina eh tsk.

"Child abuse!"

"Ha? Pa'nong naging child abuse 'yon? Sinabi ko lang naman na may nakita ak---"

"I'm just kidding, Alper. Ikaw naman masyado kang seryuso. Oo nga pala matanda kana kaya ka ser--"

"Anong matanda? Matanda na ba ang tingin mo sa 'kin?" Lumapit ito sa akin na medyo ng aakit.

"Oo?"

"Age is just a number but love is just a feelings." pa bulong nitong sabi.

"Wait pa'no napunta ang usapan d'yan? Kulang kalang siguro sa gatas. Halika na at ipapadede nakita." H'wag mo akong nginingitian d'yan, hindi ako naiinlove sa nakakamatay mong ngiti at pa chinito mong mga mata duh. Iniwan ko na siya at hinanap ang Diary milk na sinabi niya.

Pumasok ako sa isang maliit na kwarto. Bali sa desinyo ng room ay babae ang may ari. Pink at purple ang theme ng kwarto. Kahit maliit itong bahay maganda naman ang sa loob.

"Wala naman dito 'yong chocolate ah?" Bulong ko habang naghahanap sa buong kwarto.

"Human Size Teddy bear!" Bulong ko't agad ko naman itong kinuha at niyakap. Pangarap ko rin na may magbigay sa 'kin ng ganito kalaking stuff toy. Puwedeng sa akin nalang 'to? Nilapag ko na ang stuff toy nang tawagin na ako ni Alper.  Hanggang sa nakita ko na ang chocolate sa tabi ng isang maliit na stuff toy.

"Nakita mo na?" tumango nalang ako bilang sagot, he asked me kung saan na naman akp pupunta.

"Maliligo."

"H'wag na gagabihin lang tayo."

"Ang daya, ikaw lang may karapatang maligo gano'n?"

"Kahit naman 'dika maligo mabango ka pa rin." enebe!

"Okay!" tipid kong sagot.

"Kinikilig ka ba?"

"Mukha mo!" wika ko, nagulat naman ako nang akbayan niya ako na para bang magtropa kaming dalawa. Ano ba kuya h'wag mong ilapit ang mukha mo, mas lalo akong kinikilig kapag nakikita ko mga ngiti mong nakaka tunaw.

"Lagot!" mahinang sabi nito ng tumingin siya sa bintana. Biglang bumuhos ang ulan at dumilim na din ang kalangitan.

Ala sais na pala, bukas nalang tayo aalis. Dilikado't umuulan pa."

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon