Chapter 7

622 25 0
                                    

Trisha's POV

Maaga kaming nagising dahil kailangan na din naming umalis sa lugar na ito dahil dilikado kung magtatagal pa kami. "Ang sakit ng tiyan ko." reklamo ko habang iniinda ang sakit. "Marami ka kasing kinain kagabi 'yan tuloy...." so kasalanan ko pa talaga?

"Masakit ba?" tanong nito sa akin, hindi ba halata sa itsura ko? Kung wala lang siyang sakit kanina ko pa siya tinadyakan. Kinuha naman ni Alper ang isang gamot sa dala nitong bag. Kailangan ko daw itong inumin para maging mabuti yung lagay ko. May silbi din pala ang pagdadala ng gamot ni Alper. Nang matapos kong inumin ang gamot ay nagpatoy na ulit kami sa paglalakad

"Are you okay?" Alper naman, isa ka pa e, paano ako magiging okay kung nahihirapan na ako sa paglalakad dahil sa tiyan ko? "Magiging okay ka din, nainom mo na yung gamot."

"Mga infected." bulong ni Cheryl, "Sandali lang naman..." grabi sila, hindi man lang nila ako inalalayan. Dahil no choice ako, sumunod nalang ako sa kanila habang nakayuko. "Iiwan niyo talaga ako? Hindi ba kayo naaawa sa akin? Masakit din yung tiyan ko..."reklamo ko sa kanila, inalalayan niya kasi si Cheryl kaysa sa akin. Mabuti nalang at worth it yung pagrereklamo ko dahil inalalayan na ako ni Alper at Cheryl. Mabuti nalang at hindi pa kami napansin ng mga infected.

"Wait....ano yun?" tanong ni Cheryl. Shit.

"Sino'ng umotot?" hindi ko pinapahalata na ako ang umotot pero hindi ko nakayang pigilan pa hanggang sa nagsunod-sunod na ang utot ko na naging dahilan upang lumayo sila sa akin. "Lalabas na!" pagpipigil kong sigaw, feel na feel ko na yung ulo kaya binilisan ko na ang pagtakbo sa isang kotse malapit sa amin at pumasok na agad, hindi ko na tinignan ang loob at soon ko na inilabas ang lahat. Kahit hindi ko sila nakita ay ramdam ko na tumawa sila lalo na yung bwesit na Cheryl.

"Bilisan mo na Trisha.....malapit na ang mga infected." bwesit talaga itong Cheryl na 'to. Nang matapos ako ay nilibot ko ang buong sulok ng sasakyan, walang tubig. Ano'ng gagamitin ko? Mabuti nalang may isang t-shirt na puti.

"Kamusta sa loob?" pabirong tanong ni Cheryl habang tinatakpan nito ang kanyang bibig. "May t-shirt sa loob.....yun ginamit ko pamunas kaya huwag momg isipin na hindi ako nagpunas ng pwet." pa-irap kong sabi.

"Utot mo palang nakakamatay na....paano nalang kaya ku---" hindi na nito tinapos dahil siniko ko siya sa braso pero hindi parin ito tumigil sa pagtawa ng pasimple. Sana sa tiyan ko nalang siya siniko. Hindi parin ito tumigil sa pang-aasar sa akin, mabuti nalang sumingit agad si Alper. Kinamusta niya ako. Sinabi ko naman na okay na ako. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad dahil dumadami na din ang mga infected sa paligid.

"Hindi tayo makakadaan...maraming mga infected." kinakabahang wika ni Alper.

"Trish....gamitin mo utot mo." minsan gusto ko na siyang ipalapa sa mga infected. Bakit ba kasi iniligtas siya ni Alper. Dumaan kami sa kabilsng bahagi.  "May mga tao...." tipid na sabi ni Cheryl at itinuro niya ang mga taong nakita niya.

"Wait....dilikado." pagpigil ni Alper kay Cheryl. "Hindi ako sigurado sa mga taong 'yan....magpatuloy na tayo." ano kaya yun? Hindi kami pupunta? Baka nga safe zone na 'yan e.  Tatalikod na sana kami upang magpatuloy na nang biglang may magsalita sa aming likuran.

"Sa'n kayo pupunta?" tanong ng isang lalaki na may dalang baril.

"H-hindi po kami masama." sabi ko na medyo natatakot at itinaas ang kamay, gano'n din ang ginawa nina Alper. Apat pala silang nandito. Tinulak nila kami isa-isa upang sumunod sa kanila pupunta sa kanilang lugar na sa tingin ko isang kampo.

"Alper!" hindi ko napigilan na sumigaw dahil tinulak nila ng malakas si Alper kaya nadapa ito. Itatayo ko sana siya nang bigla akong pigilan ng isang lalaki at iginapos ang dalawa kong kamay sa likod, gano'n din ang kanilang ginawa kay Cheryl.

"Pasok!" utos ng isa at itinulak nila kami sa loob ng isang kulungan. Kami ang magkasama ni Alper habang si Cheryl ay hinila papunta sa kabilang kulungan.

End of POV

Marvin's POV

Nagising nalang ako dahil sa isang sigaw. May bago na naman silang hinuli?  Tinignan ko kung sino yung nakakulong malapit sa aming kulungan. Familiar siya, para'ng nakita ko na siya. Oo tama, siya yung Trisha na kasama ko sana maglakbay. "Psst.." mahina kong sabi, hindi parin siya lumingon. Imposible naman na hindi niya ako natatandaan. "Marvin, sino ba'ng tinatawag mo?" tanong sa'kin ni Nikko. "Wala." tipid kong sagot. Napansin niya naman ako pero hindi niya talaga ako natatandaan. Nagulat ako nang bigla nalang akong yakapin ni Nikko. Papalag sana ako pero hindi ko magawa. "Kahit ngayon lang.....gusto ko lang maramdaman na may kayakap." ano'ng drama na naman pinagsasabi ng lalaking 'to? Dahil sa naiinis ako sa kanyang ginawa ay tinulak ko siya at napasandal ito sa rihas. Hindi na ito nagsalita ba dahil iniwas ko na ang tingin sa kanya. Alam kong gusto niya ako matagal na, dahil 'yan nga yung sinabi niya sa akin pero hindi ko naman siya gusto, napilitan lang talaga akong sumama sa kanya.

"Ano'ng gagawin mo sa'kin?" pagpupumiglas ko nang hilahin nila ako palabas ng kulungan. Tudo pigil naman si Nikko, dahil sa pagpigil niya ay sinikmura siya ng isang lalaki gamit ang kanyang hawak na baril. "Nikko!" hindi ko naman kaya na hindi maawa sa kanya. "Saan niyo ako dadalhin?" nagpupumiglas parin ako kahit malabo naman na makawala ako sa kanila. Dinala niya kami sa isang lugar na mukhang boxing ring, 'yon nga lang ang kaibahan ay nahaharangan ng mga wire ang buong paligid kaya kung makapasok ka man hindi ka makakalabas. "Pasok!" tinulak niya ako papasok sa loob, bakit ba siya nanunulak? Papasok naman ako dahil no choice naman pero bakit kailangan pa akong itulak? Nang makapasok ako ay ni lock na niya ako sa loob. Nagulat nalang ako ng may biglang sumulpot na isang babaeng infected. Muntik na akong makagat, buti nalang nakatali ito. Balak ba nila akong ipakain dito sa infected?

End of POV

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon