Alyssa's pov
"Dok, si Reymark, mainit po." Sigaw ng isang babae na tumatakbo papunta sa amin. Tinanong ko naman ito kung nasaan 'yong kaibigan niya. Agad naman itong sumagot na nasa room #028 kaya agad kaming tumakbo para puntahan ang pasyente. Nakita ko ang isang lalaki na nanginginig.
"Kumuha ka ng gamot sa table." Utos ko sa isang nurse. Agad nitong kinuha ang gamot para sa lagnat. Kinapa ko naman ang isang thermometer sa aking bulsa. Agad ko naman itong inilagay sa kanyang bibig.
"100°F, hindi ito maganda." nag aalala kong sabi.
"Reymark babe? Ayos kalang?" Mag nobyo't nobya pala sila. Mangiyak ngiyak na ito dahil nanginginig na si Reymark at dilat na dilat na para bang sinasaniban. Sumisigaw na din ang babae upang humingi ng tulong sa akin habang niyayakap niya si reymark. Medyo nag iba rin ang kulay ng balat ni Reymark at lumubo rin ang kanyang pisngi't bibig. sumusuka na din ito kaya mas lalo akong nataranta.
"I-infected na siya, infected na siya!" Bulong ko habang umaatras.
"H-hindi, he's not infected hindi siya infected!" Sigaw niya habang niyayakap ang jowa. Agad kong kinuha ang kutsilyo na dala dala ko for protection purposes.
"A-anong gagawin mo? Dok? Huw-wag dok pleas maawa ka."itinaas ko ang kutsilyo upang saksakin si Reymark sa ulo. Ilang minuto nalang ay magiging infected na rin siya.
"Dok, please! Tinawag kita para tulungan si Reymark hindi para patayin." Mangiyak ngiyak itong nag mamakaawa.
"Wala na tayong magagawa sa kanya. Kung hindi ko 'to gagawin kakagatin ka niya. Kakagatin niya tayong lahat."
"Dok, may chance pa para magamot siya 'diba?" Umiling lang ako bilang sagot.
Bumangon bigla si Reymark at galit na naka tingin sa akin. Nag iba na ang kanyang itsura katulad na rin siya ng ibang mga infected.
"Ahh!"
"Reymark!"
"Ahh t-tulong t-tulong!" Sigaw ko nang kakagatin na ako ni Reymark. Naka sandal ako sa dingding habang pilit tinutulak ito papalayo. Nahulog ko rin ang kutsilyo kaya wala akong laban.
"T-tulong!" Sigaw ko, naka tingin lang ang nobya ni Reymark sa akin habang umiiyak. Wala naman din itong magawa.
"S-saksakin mo na siya b-bago pa tayo makagat laha--- ahh!" sigaw ko ng muntik na nitong makagat ang braso ko.
"Gawin mo na bago pa mapahamak ang mga tao dito sa loob ng hospital!" sigaw ko sa kanya. Hawak pa rin ng babae ang kutsilyo habang umiiyak.
"Gawin mo na!" Kahit nagdadalawang isip ito ay agad na niyang sinaksak sa ulo si Reymark.
"R-Reymark sorry, sorry!" Naka handusay na si Reymark sa sahig. Nang matalo na nito ay agad kong niyakap ang babae.
"Napatay ko si Reymark." walang emosyon nitong sabi habang nakatingin lang sa bangkay ng kanyang nobyo.
Pagkatapos ko itong e-comfort ay lumabas na rin kami at sinabi ang nangyari sa loob.
"Alyssa, ayos kalang ba talaga?" Tanong sa akin ni Alper. Tumango lang ako bilang sagot. Concern pa pala siya sa akin. Akala ko wala na siyang pakialam.
"Mukhang ayos naman si Doc. Alyssa." singit naman nu'ng babae na kasama niya. Cheska ata yung pangalan. Nakahawak ito sa kaliwang braso ni Alper na tela ba mag jowa.
"Alper, let's go to the rooftop. Kailangan mo din ng sariwang hangin."
"Nag uusap pa kami ni Alper." Naiinis kung sagot kay Cheska.

BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
Ciencia FicciónFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)