Jerlyn's POV
Nandito kami ngayon sa loob ng simbahan kasama ang iba pang nakaigtas. Marami din ang umiiyak dahil nawalan sila ng mahal sa buhay. Makikita ko pa kaya si Trisha? Sana hindi pa huli ang lahat. "Kumain ka na muna, Jerlyn." pag-aya ni Woonie sa akin ng isang cup noodles.
"Sister Theresa kailangan ko po mahanap ang mga anak ko." rinig kong pagmamakaawa ng isang matandang babae sa isang madre. Sa itsura palang niya ay mukhang nasa twenties pa ito. Makinis din siya at maputi, hindi naman maitatanggi na maganda itong madre na ito. Bakit kaya ito nag madre? Baka na broken.
"Hu'wag kang mag alala, hindi sila pababayaan ng panginoon." sagot naman ng madre at niyakap nito ang matanda.
"Jerlyn nakikinig ka ba? Kanina pa ako daldal ng daldal dito!" kinakausap pala ako ni Woonie hindi ko napansin. "Don't worry ligtas si Trisha." ngiti lang ang tanging isinagot ko sa kanya.
Nilibot ko muna ang buong silid, marami din ang mga nagdadasal. "Hija? Ayos ka lang ba?" bungad sa 'kin ng isang matandang madre.
"Okay lang po ako sister." nginitian ko ito at nagpatuloy na sa paglalakad. "Huwag kang mag alala, hindi niya tayo pababayaan." wika nito at itinuro ang langit. Nginitian ko ulit siya, sana nga hindi niya kami pababayaan at sana makita ko na si Trisha.
"Look." tipid na sabi ni Woonie habang naka turo ang hintuturo nito sa may pinto.
"Ano'ng mayro'n?"
"Sumilip ka na lang."
"May mga infected!" sigaw ng isang lalaki na pumukaw naman sa lahat ng tao dito sa loob. "Huwag kayong mag ingay, hindi sila makakapasok dito." pagpapakalma ni sister Theresa.
"Ayoko pang mamatay."
"Tulong!"
"Pumapasok na sila!"
"Bilisan niyong isara ang pinto!" dahil marami na din anf mga infected ay hindi na namin tuluyan na isara ang pinto at mabilis itong pumasok sa loob ng simbahan at pinagkakagat ang iba na kanilang na aabutan. Nagtakbuhan na din ang ibang mga tao sa labas.
"Mga hija dito!" Sigaw ng isang madre at agad naman kaming sumunod sa kanya. May labasan pala sa likuran ng kumbinto kaya naka labas kaming lima. Padami na ng padami ang mga infected kaya mahirap ng maka takas kung sa harap kami lalabas. "Dito bilis! "wika ni madre Theresa. Sa likod kami ng simbahan dumaan, makapal din ang damo kaya hindi kami agad mapapansin.
"Woonie!" hindi ko na nakita si Woonie, kanina nandito lang siya sa likuran ko.
"Woonie!" sigaw ko na agad namang pinigilan ni Sister Theresa.
"Tumahimik ka babae! Wala na 'yong woonie na 'yon. Sigurado ako na patay at kinakain na 'yon." sabi naman ng isang payat na babae na kasama namin.
"Shut up!" sagot ko sa kanya.
"Bahala ka."
"Sinabing tumahimik ka!" sigaw niya sa 'kin, biglang uminit ang dugo ko sa kanya. "Patay na 'yon." malditang sabi nito, hindi ko na siya sinagot bagkus ay sinabunutan ko siya agad sa buhok. Pinigilan naman kami ng dalawang madre at isang babae na hindi ko din kilala.
"H'wag kayo mag-away."
"Ano ba h'wag kayo mag away, maririnig tayo!"
"Mga hija!" mahinang sabi ng matandang madre. Hindi ko na sila pinansin. Hindi ko parin tinantanan ang babaeng payat na ito at pinatungan ko na ito at pinagsusuntok sa mukha.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Patay na siya---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang biglang sumigaw ang isa naming kasamang babae. Nilingon ko ito at nakita ko siyang kinakagat na ng isang infected.
BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
FantascienzaFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)