Chapter 27

342 22 0
                                    

Alper's pov

"C-cheryl?" Nagulat ako sa aking nabangga. Hindi ako maaaring magkamali.

"Alper." Malumanay nitong tugon. Hindi parin ako makapaniwala na si cheryl na ang aking kaharap. Pero pa'no? Nakita ko siya na may kagat na. Alper, wake up, imahenason mo lang 'to.

"Dok! Tara na po dilikado na dito. Hindi na po kaya ng iba kong mga kasama ang mga infected! " Sigaw ng isang lalaking sundalo na hinihila kami papasok ng sasakyan.

"Cheryl, ang akala ko hindi na kita makikitang muli." Bulong ko' t niyakap ito. Isang yakap na akala ko'y hindi ko na muling magagawa pa.

"Pero p-paano? Pa'no ka na....bakit hindi ka naging i-infected?" Nalilito kung tanong. Pero hindi niya din daw alam. Ang akala din daw niya ay magiging infected na siya. Hindi ko na muna iisipin kung pa'no o bakit  hindi siya naging infected. Ang mahalaga, magkasama na ulit kami. Hindi ko na hahayaan pa na mapahamak ka pa cheryl. Pangako. Dahan-dahan kung inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Ang mukha na akala ko hindi ko na mahahalikan pang muli. Ipinikit ko ang aking mata't hinalikan siya sa kanyang labi. Namiss ko ang kanyang halik. She kissed me back. Hinihimas ko rin ang kanyang napakalambot na pisngi. I need to spend my time to her now.

"S-sir! P-PDA po, respeto naman po sa mga walang jowa. " Sabi ng sundalo na nasa driver seat. Agad naman inayos ni Cheryl ang kanyang damit. Hindi ko kasi mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na tinatanggal ko na pala ang batones sa damit ni cheryl.

"Mamaya niyo nalang po gawin 'yan, Dok. Sorry po ulit sa disturbo." medyo nakaramdam naman ako ng hiya kahit kaunti.

"Alper, k-kumusta ka?" Sinagot ko naman agad siya. Maayos na ako. Lalo na't nakita ko siyang muli. Ipinakita naman nito ang mga kagat sa kanyang mga braso. Imposible na hindi siya magiging infected. Lalo pa't marami na din ang mga kagat sa kanyang mga braso. Hindi kaya immune siya? Nagulat naman ito ng sabihin ko sa kanya na immune siya sa virus.

"D-dont leave me again." Malumanay kung wika. Ilang segundo din kaming magkayakap. Tumango lang ito sa tanong ko at isinubsub niyo ang kanyang sarili sa aking dibdib. I missed you so much.

End of pov

Trisha's pov

Nandito kami ni Gav sa kwarto na sinabi nung doktora kanina.
Medyo na himasmasan na din ako dahil sa tulong ni Gav. Hindi ko napansin na may pagka caring pala itong si Gav. Inabutan naman niya ako ng isang basong tubig. Pagkatapos kung magpasalamat ay agad ko na din itong ininom. Nauhaw ako sa kakaiyak.

"If you need something, just call my name. "

"T-thanks Gav." Mukhang ligtas na kami dito sa ngayon.... Mag hahating gabi narin, pero wala pa kaming kain ni Gav. Naiwan kasi namin yung mga pagkain do'n kay jerlyn. Kumusta na kaya siya? Sana hindi pa siya maging infected... Siguro kailangan ko na din tanggapin ang katutuhanan na hindi na talaga kami muling magsasama pa. Hindi ko na siya muling masisilayan pa.

"Kumusya na kayo?" Bungad sa amin ni Dr Alyssa, naka ngiti siya sa amin. Katamtaman lang ang kulay ng kanyang balat. Nakaka akit din ang kanyang mukha. Inosenting inosente talaga siyang tignan.

"We're fine." tipid na sagot ni Gav.

"Pag pasensiyahan niyo na muna, wala pa tayong pagkain. Hindi pa kasi nakakabalik ang mga na atasan na kumuha ng mga gamot at mga pagkain. " Nginitian ko lang siya bilang sagot.

"Gav, right?" Tumango naman agad ito.

"May memory pa pala ako kahit papa'no." Hindi ko alam pero parang na aakit ako sa kanyang ngiti. Babae na ba ang gusto ko ngayon?

"Paano pala kayo na padpad dito?" Ikinwento na rin namin ni Gav ang lahat-lahat. Tutal wala naman din kaming ibang gagawin kundi magkwentuhan.

"Survival of the fittest. Mabuti naman na kaligtas kayo kahit ang dami niyo ng mga pinag daanan sa loob ng ilang mga buwan. " Umopo siya sa tabi namin. Mabait din pala itong doktorang ito.

"Oo nga po, eh. We're thankful po na kahit papa'no ay may dalawa na naka ligtas sa aming lahat. At kami 'yon. " Sabi ni Gav. Tumango lang siya kay Gav habang nakangiti. Nakaka inlove ang ngiti ni Dt. Alyssa. Kahit babae ako na attract pa din ako sa kanya. Tomboy na ba ako? Charot. Tinanong ko naman siya agad kung may jowa na ba siya o wala.

"W-wala, I mean wala na, matagal na. " Mahina nitong sagot. Broken ba siya? Ewan ko ba kung bakit ako interesado sa kanyang love life. Bakit sila nag hiwalay? Eh, maganda naman siya. Sexy. Matangkad. Makinis. Maputi. Pero bakit? Siguro nga tama sila. Hindi kuntento ang isang lalaki sa iisang babae. Kahit nasa sa 'yo na ang lahat. Iiwan at iiwan ka parin nila kapag sawa na sila.

"Nako h' wag na nakakahiya. "

"Sige na po Dok." Wala naman itong nagawa kundi magkwento.

"Hindi ko alam saan mag uumpisa. "

"Bakit po kayo nagkahiwalay?" diretsahan kong tanong. Matagal na daw sila noon. Sweet din sila sa isat isa. Wala akong masabi kundi ang swerte lang talaga nila.

"Pero nagbago ang lahat ng 'yon simula ng magkasakit ang kanyang nanay. Wala siyang ibang ginawa kundi pagtuonan ng pansin ang paggawa ng gamot para sa cancer. Nawawalan na siya ng oras sa akin."

"Hindi lang naman po tayo ang dapat maging priority ng mahal natin. Hindi naman po tayo ang nag iisa sa buhay niya." Latanya ko. Seryoso naman naka tingin lang sa akin si Gav na para bang sinasabi na itikom ko na ang bibig ko.

" 'Yon nga eh, actually tinutulungan ko din siya. Sinusuportahan ko siya sa lahat ng kanyang gagawin. Nang dahil do' n, nawalan na kami ng oras sa isat isa. Hanggang sa isang araw. May nakilala akong isang lalaki. Isang lalaki na nagparamdam sa akin na ako lang." Hanggang sa nagkahiwalay daw sila at naging sila na ng lalaki na nakilala niya. Kahit naman daw hiwalay na sila. Tinutulungan naman din niya yung ex niya sa paggawa ng gamot. Same lang naman daw kasi sila ng pinapasukan na hospital.  Pariho pala silang doktor.

"Tama na nga 'to ang dami ko ng na ekwento. O, siya mag pahinga na kayo, babalik nalang ako mamaya kung nandito na ang mga pagkain." Tumayo na ito upang lumabas na ng kwarto. Ka pangalan ng ex niya yung nakilala kung Alper sa labas. Hindi kaya siya' yon? Tsk emposible.

"Magpahinga ka na Trisha." Sa totoo lang, sandali kong nakalimutan ang lungkot habang kausap ko si Dr Alyssa. Para bang magaan ang loob ko sa Kanya. Ewan ko ba kung bakit. Siguro nababaitan lang talaga ako sa kanya. Ate naman kasi, ang daya mo. Bakit mo 'ko iniwan ulit.

End of POV

Alyssa' s pov

Nasa rooftop lang ako nagpapahangin. Hindi ko naman itatanggi na namimiss ko si Alper. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Habang nag mumuni-muni ako ay may nakita akong sasakyan na papalapit sa gate. Sina Alper na siguro 'yon. Agad naman akong bumaba upang salubungin ito. Nauna namang lumabas ng sasakyan ang isang sundalo na nasa driver seat. Sumunod naman si Alper. Mabuti naman at ligtas siya.

"Buti naman you're Sa--" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ng may bumaba pang isang babae na kasing edad din nung Trisha.

"Hello, mabuti naman ligtas ka." Kinawayan ko yung babae sabay ngiti.

"Alper." Bulong nung babae. Nakahawak naman ito sa braso ni Alper.

"Nasaan yung iba?" I asked him but he reply with he's sad face. Kinuha naman ng iba ang mga pagkain at mga gamot sa loob ng kotse.

"Are you okay Alper?" Tanong ko habang niyakap siya.

"I'm fine." Tumingin siya sa direksiyon nung babae na kasama niya. Kaya ngumiti ako sa kanya.

"Pumasok na kayo, marami na ang mga nagugutom sa loob."

Sabay naman na pumasok si Alper at yung babae. Bakit para'ng may namamagitan sa kanilang dalawa? Kaano ano ba ni alper ang babaeng ito?

End of Pov

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon