Chapter 12

479 34 0
                                    

Jerlyn's POV

"G-guys."

"Bakit kuya Gav?" tanong ni Chris, pinakita naman ni Gab ang isang post sa social media. Ayon sa post, may lugar daw na ligtas sa mga infected.

"Alam ba natin kung saan 'yan" tanong ko.

"Sa mindanao." mindanao? As in? Ang layo naman.

"Taga Mindanao ako dati at alam ko ang lugar na ito." nabuhayan kami ng loob sa sinabi ni Gav, pero hindi ko alam kong makaka abot ba kami sa mindanao.

"Makakarating ba tayo do'n ng ligtas?"

"Hindi ko alam. Nasa laguna tayo at hindi ko alam kong makaka punta agad tayo sa mindanao. Marami pa'ng mga mangyayari sa atin papunta do'n at hindi din maitatanggi na may mawawala sa 'tin o may makikilala tayong iba o 'di kaya hindi na tayo makaka abot do'n." latanya ni Gav.

"Kuya Gav, think positive always. I know, we survive this situation and I hope we can." nosebleed ako nito.

"Pero ang point dito, malayo ang mindanao... May posibilidad din na hindi talaga tayo makakarating doon lalo na't maraming mga infected sa tabi." seryoso kong sabi.

"Kuya Gav, siguro may another safe zone pa na malapit dito. Sabi nga ni Jerlyn malayo ang mindanao sa sa manila at siguro nasa 40% lang ang chance na makarating tayo do'n ng buhay." latanya naman ni Chris.  Sumang ayon naman si Gav at nag hanap ulit ito sa mga post.

"Kuya Gav este hoy Gav! Umutot ka ba?" reklamo ko, nahahawa na talaga ako kay Chris sa kaka kuya Gav niya. Magkapatid lang? Tsk.

"Pa'no mo nasabi?"

"kasi mabaho."

"Hindi ako ang umutot ba ka bibig mo lang ang na aamoy mo jerlyn." ay grabi siya.

"Hindi 'no sigurado ako na utot mo 'yon. Kaya don't Deny it."

"Kung umutot man ako magpasalamat  ka nalang kasi makaka amoy ka ng sariwang utok galing sa akin." bwesit ka Gav.

"kadiri ka!"

"Nonsense"

"Guys, I'm the one who fart. I just want to apologize to all who smell my fart." nag peace sign pa ang gago. Ang cute ng mukha pero yung utok parang imburnal. Bwesit ka din Chris, pwedi naman siguro na lumabas muna ng sasakyan para doon umutot.

"Kaya pala mas mabaho ang amoy." nagtatakit ilong kung sabi at binuksan na bintana. Shit hindi ako mamamatay sa mga infected mamamatay ako sa utot nitong Chris na 'to.

"Jerlyn ang arte mo, Chris umutot ka pa, nang mamatay na 'to." bwesit talaga itong Gav na mukhang paa ang mukha.

"Sorry talaga guys."

"Okay lang Chris, basta utot mo ayu-- este wala 'yon tsk."

"Magpahinga muna tayo, gabi na din. Chris, ihinto mo nalang yung car sa gilid." utos ni Gab kay Chris.

"Sige Kuya Gav."

"Ikaw Jerlyn, isara mo na ang bintana bago ka pa dakmain ng mga infected." inuutusam niya ba ako?

Alas syete na pala ng gabi, grabi ang sakit na ng pwet ko sa kaka upo.

"Jerlyn matutulog ka ba o hindi? Kanina mo pa kinakalikot ang pwet mo, ano meron? May oud ba?" Shit kang Gav ka.

"Mind your own Business." pairap kong sabi.

"Sweet nightmare everyone." mahinang sabi ni Gav. Sweet nightmare? Ano yun? Babangungutin ka pero sweet? Tsk.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon