01

5.9M 113K 182K
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/other universities. 


This is the updated version. Oct 7 2020. 

However, I noticed that after editing, there were errors with saving. I apologize for the letter errors and spacing errors. I will edit this once more. Thank you for being patient.

***

"Tapos na plates mo?" 


Umupo si Kierra sa tabi ko at kinalabit ako. Narito ako sa tapat ng Beato building, nakaupo sa may mga benches habang kumakain ng kwek-kwek na binili ko roon sa Dapitan. Ang layo ng pinunta ko pero kinailangan ko rin kasing magpa-print. Mayroon naman sa Noval pero nagutom ako, e. Minsan, masaya ring maglakad-lakad lalo na kapag hindi gaanong maaraw. 


"Mukha bang tapos na 'ko, ha?" Inirapan ko ang pinsan ko. Hindi na ata kami naghihiwalay nito. Simula kinder hanggang college ay magkaklase na kami. Hanggang ngayon, blockmates pa rin kami. 


"Malay ko ba! Mabilis kang gumawa, e!" Pagrarason niya naman sa 'kin. "Ako, tapos na! Pwede na uminom!" Pagpaparinig niya. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang magic word.

"Saan?" Tanong ko. 


Kaunting touch na lang naman ang gagawin ko sa plates ko at tapos na 'yun kaya pwede naman siguro akong sumama sa kanya. Tutal, Friday ngayon at wala naman kaming klase bukas, pwedeng pwede! 


Charot! Gumagawa lang ako ng rason sa sarili ko pero gusto ko lang talaga mag-relax kahit saglit lang. Sabi nila kaunti pa lang naman 'tong ginagawa namin kasi simula pa lang ng semester kaya may oras pa para mag petiks petiks. 


"Pop Up. Sa Katipunan," sagot niya sa akin, hinihintay ang reaction ko.


"Layo!" Agad nag-iba ang mukha ko. 


Iinom na nga lang, dadayo pa sa malayo! Ang dami dami dyan sa Dapitan, e! 


"Choosy ka pa? Libre ko transpo at ambag mo, G na? Inaya ko sila Via. Pupunta sila! Tsaka manlilibre rin naman daw si Samantha kasi may bago daw siyang crush doon sa Ateneo," pagpupumilit niya sa 'kin.


"Hmm, pag-iisipan ko." Kinuha ko ang phone ko at tinignan lahat ng kailangan kong gawin. Kaunti pa lang naman 'yon. Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Sige na nga." 


"Pabebe ka pa, papayag ka rin naman." Inirapan ako ng pinsan ko at hinatak ako patayo. "Tara na, magtatraffic na! Magdadrive ako, susunduin ko pa si Yanna!"


"Jusko ang lapit lapit lang niya kailangan pang sunduin?! Maglakad na lang siya dito. Kapag pogi dinadayo niya dito sa USTe pero kapag kaibigan kailangan pa siya sunduin?" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa carpark. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon