29

4M 93.6K 304K
                                    


"A chance? I vote for yes! My motto in life! Saganang pechay, saganang buhay!" 


Parang gusto kong batuhin si Yanna sa mga pinagsasasabi niya ngayon. Nasa airport kami ngayon nila Sam dahil papunta kaming Boracay. Biglaan lang din silang nag-aya dahil nga malapit nang umalis si Via. Palipat-lipat din kasi siya ng bansa, e. Biglaang leave din tuloy kami ni Kierra. 


Naghihintay pa lang kami ng boarding ngayon. Mabuti na nga lang at walang lipad si Yanna. Kadalasan kasi ang mga lipad niya ay sa ibang bansa hindi local kaya hindi namin siya nasurpresa ngayon. 


"Jusko, ilang years na rin kaya, Luna. Pagkatapos ng break-up n'yo ni Kalix, nilunod mo sarili mo sa pag-aaral at trabaho. Wala talaga siyang jinowa pagkatapos!" Sambit ni Via. 


"Mayroon naman!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Hindi lang nag-work." 


"Hindi nag-work kasi ayaw mong mag-work," pag-epal ni Kierra. 


"Alam n'yo naman si Luna, lahat na jina-judge. She's still so scared to fall in love. Well, if ever he really cheated, abstain ako," sabi ni Sam. "But I doubt..." Bawi niya rin dahil magkaibigan sila.


"Bakit ba kami ang tinatanong mo? Hindi ka mag-desisyon para sa sarili mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Kierra. 


Kasi nga hindi ko alam! Hindi ko alam kung tama ba 'to o kung worth it bang subukan ulit. Well, hindi ko naman malalaman kung hindi ko ita-try. Bahala na! Hindi naman nanghihingi si Kalix ng sagot, e. Basta, he will try again. 'Yun na 'yon. 'Yun naman ang ginagawa niya kahit walang permiso ko, e.


Napatingin ako sa phone ko nang mag-text siya. 


From: Atty. Martinez

Have a safe flight. Just arrived in Malaysia. 


May meeting siya roon. Kailangan niya kasing samahan ang isang kliyente sa negotiation with a business partner kaya sumunod siya doon. Hindi ko alam kung gaano ka-tagal. Wala naman siyang sinabi. 


To: Atty. Martinez

Boarding na. Take care. 


Tumayo kami nang mag-tawag na ang nasa harapan. Tinawag pa namin si Yanna na may kausap sa phone. Para siyang kumakandidato nang pumasok sa eroplano dahil kilala niya 'yung ibang flight attendant doon. 


"Hindi mo kasama si bebe girl?" Tanong noong isa niyang kaibigan. 


Umiling lang si Yanna at nakipag-tawanan doon. Kami naman ay umupo na sa kanya-kanyang seat. Katabi ko si Kierra at sa tabi niya naman ay si Via. Nasa likod namin si Sam tsaka si Yanna. Mabilis lang ang flight dahil malapit lang din naman. Nang makarating sa airport ay sinundo kami ng service ng hotel.


Samantha booked the hotel. Sama-sama kami sa iisang suite. Naiinis ako kasi parehong hotel noong tinuluyan namin ni Kalix noon kaya kapag nakikita ko, siya ang naaalala ko at 'yung mga masasayang alaala naming dalawa. Marami ring pagbabago sa lugar. Gusto sana naming mag-Palawan kaso sa susunod na lang daw. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon