"Kailan mababalik ang sasakyan ko?"
Suplada pa rin ako at hindi man lang tumingin sa kanya nang magtanong ako. Tahimik lang din siyang nagdadrive gamit ang isang kamay at ang isa ay nakahawak sa gear habang nakatingin sa harapan. Traffic kasi kaya mukhang naiinip siya.
"Tomorrow," maikling sagot niya at sinandal ang siko sa may bintana habang nakahawak sa ulo.
Tumango ako at nanatiling tahimik. Ang awkward naman! Ngayon ko lang ulit siya nakasama sa iisang sasakyan. Kahit kailan, hindi ko naman inisip na mangyayari 'to. Akala ko nga pagkatapos ng break-up namin ay never na kami mag-uusap o magkikita man lang dahil ang layo ng field namin sa isa't-isa.
Pero tignan mo kung nasaan ako ngayon. On the same car with him, sharing the same space at the same time! Napasulyap ako sa phone niya nang tumunog 'yon. Kitang kita ko ang caller I.D. kaya napaiwas kaagad ako ng tingin.
'Atty. Alvarez'
"Amy," bungad ni Kalix nang sagutin 'yon.
I shifted uncomfortably on my seat. Ang tagal na pero naapektuhan pa rin ako tuwing naaalala ko ang cheating incident. Ang laki ng impact noon sa 'kin at nasa loob ko pa rin ang naiwang trauma na baka mangyari ulit kapag nagmahal ako ulit. Ang hirap isipin na parang hindi ako magiging enough for someone. Ever.
"Pauwi na," maikling sagot ni Kalix.
Nakatingin lang ako sa harapan at pinagdasal na sana umusad ang traffic. Hindi naman dapat traffic dahil madaling araw na. Sinabi ko na rin kanina kung saan ako ibababa ni Kalix at hindi naman ganoon kalayo 'yon. Should I still pay for his gas money?
"You can't ask me about your client. You know we're enemies in court." Kalix shook his head a little.
Magkalaban sila sa korte? Akala ko ay sa firm din nila nagtatrabaho si Amethyst. Well, akala ko nga rin si Adonis hindi roon nagtatrabaho pero tignan mo nga naman. Napagtanto kong wala pala talaga akong alam sa nangyayari sa paligid niya. Naririnig ko lang through news articles at sa mga taong nagkokonekta sa aming dalawa.
"Good night," he said before ending the call.
I waited for the 'I love you' but it didn't come. Nahiya siguro siya dahil may ibang kasama. Napairap ako. It was like he was cheating on her! Ano na lang magiging reaction ni Amethyst kapag nalamang kasama ng boyfriend niya ang ex niya sa iisang sasakyan? I would go nuts!
"You should have told her that you're with me inside the car," I genuinely said. I just didn't want him to commit the same mistake.
Kumunot ang noo niya at tumingin sa 'kin, nagtataka. Napabalik din kaagad ang mga mata niya sa harapan dahil umusad na nga ang traffic kaya mabilis na siyang nagpatakbo paalis.
"Why is that?" He asked after a few seconds.
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...