"Hello? Ding dong!"
Kumatok ako nang kumatok sa unit ni Kalix. 6 AM pa lang nang umaga ay nandito na 'ko at dala-dala ko pa sa paper bag 'yung mga balak kong lutuin dahil baka wala siya nito sa ref niya. Mabuti nang safe!
"Hello?!" Kumatok ulit ako.
Muntik ko nang ma-katok 'yung mukha ni Kalix nang bigla niyang binuksan 'yung pinto. Nagulat ako dahil mukhang tulog pa siya at nagising lang sa katok ko.
"Christ, what time is it?"
"Hindi ka sasagutin noon," masayang sabi ko pagkapasok ko sa loob.
Napakamot siya sa ulo niya. Napatingin ako sa suot niya at halos mahulog ang panga ko dahil wala siyang suot kung hindi boxers lang. Napaiwas tuloy ang tingin ko.
Alam kong malandi ako pero mahiyain ako! Hindi pa kami nasa ganyang level na nagpapakitaan ng katawan at isa lang ang saplot! Saka na lang. Char.
Narinig ko ang sarado ng pintuan niya. Siguro matutulog ulit 'yun kaya naman nagpunta na ako sa kusina para magluto. Pinagdasal ko na lang na wala akong masunog dahil hindi ko alam kung paano gamitin 'tong mga lutuan niya.
Naisipan kong magluto ng sinabi niyang favorite breakfast niya. Fried rice, bacon, eggs. Dinagdagan ko na rin ng hotdog at spam para mas mainlove siya sa 'kin. Ang sabi kasi nila, the way to a man's heart is through his stomach! Naks! Naisipan ko ngang lagyan ng gayuma, e! Chos.
Habang nagluluto ako, biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko ring sinagot nang makitang si Sevi ang tumatawag. "Oh? Ang aga aga, ha!" Reklamo ko kaagad.
[Nood ka game namin!] Masiglang sabi niya sa kabilang linya. [Ngayon. May ginagawa ka ba?]
"Ay, oo! Nagluluto ako ngayon!"
[Oh?! Anong niluluto mo?! Pahingi! Punta 'ko dyan!] Mukhang tuwang tuwa pa siya. Itong palamunin na 'to talaga! Basta pagkain, ang bilis, e! Nagpapantig 'yung tenga.
Napaubo ako sa sinabi niya. "Wala ako sa condo, shunga!"
[Saan? Nakila Sam? Nag night out pala kayo kagabi, e!]
"Tanga, nandito ako sa condo ng crush ko!" Kinikilig na sabi ko.
Hindi siya nagsalita dahil siguro nagulat siya. Nakakagulat naman talaga! Marami pa akong hindi nakekwento sa kanya, e. Sa susunod na magkita kami, saka ko ikekwento lahat, lalo na sa part na sinabi ni Kalix na nagseselos siya para mahingi ko ang opinyon ni Sev!
[Ba't ka nandiyan?] Tanong niya nang maka-recover.
"Heto, nilulutuan ko siya ng breakfast!"
[Sana all!] Tumawa siya.
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...