11

3.7M 92.6K 213K
                                    


"Ano, panalo ba?" 


Nakipag-apir ako kay Sevi nang makita ko siya sa may Dapitan, kakatapos lang mag comp shop. Nasa Asturias street lang ako at kumakain na naman ng cheesestick. Isa iyong street sa Dapitan na puro street food kaya naman kahit malayo, rito ako laging tumatambay. Dito ko rin palaging nakikita 'tong si Sevi dahil mahilig tumambay sa mga computer shop. 


"Uy!" Bati niya nang mapansin ako.


Lumingon siya sa mga kaibigan niya at sinenyasang mauna na sila bago siya lumapit sa' kin. Inalok ko sa kanya ang kinakain ko pero umiling siya. Wow, tumanggi sa pagkain, ah. Okay lang! At least mas marami akong makakain dahil walang kaagaw. Itong isang 'to, kapag inaalok, ayaw pero kapag hindi, nang-aagaw ng pagkain. 


"Oo, panalo kami. Ikaw ba? Ngiting nanalo ka rin, e," pang-aasar niya. "Kumusta aral n'yo ng crush mo?"


"Nako, huwag mong ipaalala at may bitchesang dumating! Nag-iinit ang ulo ko! Pero okay lang kasi pagkatapos noon umamin na sa 'kin 'yung crush ko na gusto niya 'ko!" Hinampas ko pa ang braso niya sa sobrang kilig. 


"O, edi kayo na?" Tanong niya habang nakangiti sa 'kin. 


"Hindi pa rin! Wala, e! Gusto lang naman. Hindi pa naman niya 'ko mahal! Wait ka lang. Sa susunod mamahalin na ko no'n!" Tumawa ako at kumagat ng cheesestick, tuwang tuwa sa iniisip. 


"Hihintayin mo pa 'yun? Dami diyang may mahal sa 'yo," pagbibiro niya.


"Ano ka ba, siyempre hihintayin ko 'yun! Gusto ko 'yung tao, e! As in gustong gusto! Hindi ko rin magets pero alam mo 'yun? Iba 'yung feeling ngayon sa mga naging jowa ko dati, e. Parang mas nakakakilig!" Pagkekwento ko pa. 


"Swerte niya naman." Tumawa siya at napailing, iniiwas ang tingin. 


"Diba?! Hindi niya ma-realize 'yun! Sana katulad mo siya mag-isip!" Naiistress na sabi ko. 


"Sana nga." He smiled without showing his teeth. 


Sa huli, sinamahan niya na rin ako kumain sa Santorini nang mag-aya akong kumain. Iniwan kasi ako nila Kierra at pumunta sila ni Via roon sa unli rice. Hindi ako ganoon kagutom kanina pero ngayon, nagugutom na 'ko. Korean restaurant ang pinuntahan namin at maliit lang din, malapit sa UST. Nag-order lang ako ng kimbap at siya naman, ramen. Nakakabusog na kasi 'yung kimbap, e!


Habang nakaupo kami, may ibang nagpapa-picture sa kanya dahil nga ang galing niya mag-basketball. Ako naman, panay tingin sa cellphone ko dahil hinihintay 'yung message ni Kalix. Kainis! Hindi man lang ako inu-update gaya ng sabi niya! Nag-message lang siya kaninang umaga ng 'Just woke up. We're going to the beach today' tapos wala na! 


"Tingin nang tingin sa cellphone, ah. May hinihintay?" Pansin ni Sevi pagkagaling doon sa picture-taking nila noong mga SHS. 'Yan na naman siya sa pinagmamalaki niyang 'fan service'. 


"Hay, hirap ng may lovelife! Ikaw ba? Kailan ka magkakaroon?" Pang aasar ko.


The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon