25

3.5M 90.4K 239K
                                    


"Pakisabi nga kung bakit ko tinanggap 'yun?!" 


Kanina pa 'ko nagrereklamo kay Kierra tungkol doon sa project na pinapagawa sa 'kin ni Kalix. Mukha namang walang pakialam ang gaga at busy sa dinadrawing niya sa iPad. Ang daming pinagkakaabalahan. 


"Nadistract ka sa kagwapuhan ng ex mo," sagot ni Ke. 


Napahilamos ako sa mukha ko. Nakaupo ako dito sa sofa ng office niya. Gusto ko na lang talagang i-untog ang sarili ko sa pader. Bandang huli, wala rin akong nagawa kundi mag-isip ng gagawin sa bahay na 'yun. 


Kailangan ko pa tuloy magpabalik-balik doon para magsukat-sukat dahil hindi ko alam kung anong design ang pepwedeng gawin. I made a condition. Ang sabi ko kay Kalix, basta hahayaan niyang ako ang pumili ng engineer sa bahay ay papayag ako! Balak ko na kaagad kuhanin si Sevi. Bawal siyang tumanggi! Hindi niya 'ko pwedeng iwan sa labang 'to mag-isa!


"Hindi naman siya kagwapuhan," sambit ko kay Kierra.


Doon siya napatigil sa ginagawa at tumingin sa 'kin. Napairap ako nang malakas siyang tumawa. Nag-alala pa 'ko kung abot 'yon hanggang labas. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. Sayang saya lang?! 


"Hindi kagwapuhan!" Ulit ni Kierra at tumawa ulit. 


"Bakit ba? Ano bang nakakatawa?" Inis na sabi ko. 


"Kaya pala crush na crush mo dati? Nabulag ka na ata simula noong maghiwalay kayo, ha! Hay nako, Luna! Napakabitter!" Tumatawa pa rin siya. 


Sa pikon ko ay umalis na lang ako doon at ginawa ang trabaho ko. Kinabukasan, hindi ako dumiretso sa kumpanya. Nag-drive ako papuntang Tagaytay para tignan ang loob ng bahay. Naroon na 'ko nang marealize kong wala akong susi at hindi pala ako makakapasok. 


Agad kong kinuha ang phone ko habang nasa loob ng sasakyan at nagsend ng e-mail kay Kalix. 


To: kalix@lexandjace.com

Are you busy? I'm here in Tagaytay to check the interior. I forgot I don't have a key.


Matagal pa bago siya nakapag-reply kaya nag-scroll scroll muna ako sa emails ko. Nang mainip ay binuksan ko ang Instagram at nag-check ako ng stories. Napadaan lang ako sa IG stories ni Leo pero nagtagal ang tingin ko roon nang may makita. 


Naglulunch pala sila. Adonis, Leo, Kalix, at Amethyst. Ngayon lang niya pinost at magkatabi si Kalix at Amethyst. Kaya siguro hindi nakakapagreply kaagad. 


To: kalix@lexandjace.com

Nevermind. 


Bumaba ako ng sasakyan, dala ang panukat ko at ang labas na lang ang sinukat ko. Nag-pants at shirt lang talaga ako para dito. Hindi ko alam kung hanggang saan ba ang sakop ng lupa nila pero marami pang space sa paligid. May mga matatayog na damo nga lang. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon