15

3.8M 99.5K 232K
                                    


"Saan kayo magbabakasyon niyan?" 


Nandito kami ngayon sa condo nila Sam at kompleto kaming lima dahil nga kakatapos lang ng last class namin. Nagtipon-tipon kami rito para mag-bonding bago kami magkawatak-watak sa undas break. Iba-iba kasi panigurado ang mga pupuntahan ng mga 'to. 


"Kung saan maraming pogi, doon ako," sabi ni Yanna na nakahiga roon sa kama. 


"'Yung isa riyan, nananahimik. Mag-Boboracay." Ngumisi sa 'kin si Kierra. 


Napairap ako nang tumingin silang lahat sa 'kin na parang inaakusahan ako at may nagawa akong mali. Sa kanila, ako lang ata ang may masayang lovelife ngayon, e. 


"Ang taray, Boracay kaagad ang mag-jowa!" Kinurot ako ni Via sa bewang. 


Ang sarap naman sa ears pakinggan na jowa ko na 'yung crush ko. Sana sila rin. Ganda ko lang talaga! Chos. 


"Pupunta akong U.S.A. Makiki-halloween ako," sabi naman ni Sam. 


"Sana all! Ako sa sementeryo lang, papanoorin maubos 'yung kandila at mag-takutan ang mga tangang batang mga pinsan ko," sumimangot naman si Kierra. 


"Same, girl. Ikaw, Yanna?" Tanong ni Via. 


"Ako? Hahanap akong espiritu na payag makipag-momol," seryosong sabi ni Yanna. 


"Ashianna, ang dugyot, ha!" Umirap si Sam. 


Hinayaan ko silang magtalo roon. Hindi sineseryoso ni Yanna ang mga tanong namin kung saan siya magbabakasyon kaya pakiramdam ko may pupuntahan nga siya. Noong kinagabihan, nag-inom lang kami ng beer at nag movie marathon ng horror movies at chick flicks habang naka facemask. 


Noong tulog na sila, dahan-dahan akong lumabas ng unit ni Sam at nag-elevator papunta kay Kalix sa taas. Kinikilig pa 'ko dahil pakiramdam ko ay tumatakas ako at illegal ang pag-iibigan naming dalawa. 


I already had a spare key kaya wala nang katok-katok at pumasok na ako kaagad. Nakita ko si Kalix sa sofa na nanonood ng Netflix. Hindi na siya nagulat sa presensya ko dahil kanina pa namin pinaplano na umakyat ako kapag tulog na sila Sam. 


"Baby!" Naglakad ako palapit at yumakap sa kanya habang nakaupo siya sa sofa. 


Inakbayan niya naman ako at inalok ng popcorn. He was watching Sherlock. Umiling ako dahil ang dami ko nang nakain kila Sam kaya nabusog ako. Tsaka 2 AM na, hinintay niya pa 'ko rito bago matulog. 


Humikab ako kaya napatingin siya sa 'kin. "Let's sleep?" Marahan niyang inalis niya ang buhok na humaharang sa mukha ko. 


Pagkatango ko, pinatay na niya ang TV at tumayo na. Inalok niya ang kamay niya sa 'kin para tumayo na rin ako galing sa sofa bago kami naglakad papunta sa kwarto niya. Nag-bathroom siya saglit para mag-toothbrush, ako tapos na kaya humiga na lang ako sa kama at hinintay siya. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon