24

3.2M 82.4K 208K
                                    


"Is Atty. Martinez here?" 


Bumisita ulit ako sa legal department kinabukasan, umagang-umaga. Hindi ako makapaghintay na tanungin si Kalix tungkol doon sa kaso ni Miguel, kahit alam kong galit pa rin siya dahil doon sa kapeng natapon. 


"Papasok pa lang po si Atty. Martinez, Architect," sagot noong junior. 


Sumulyap ako sa I.D. niya para tignan ang pangalan niya. Philip. Siya lagi ang kabadong kabado kapag narito ako. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero nasisigurado kong mas bata siya sa amin. 


"Excuse me." Dumaan sa gitna namin ni Philip si Kalix at tuloy-tuloy na pumasok sa office niya. Napakabastos naman! 


Tumingin ako kay Philip at ngumiti sa kanya bago ako pumasok sa office ni Kalix. Nakita ko siyang nakatayo at nakatalikod sa 'kin, sinasabit ang hinubad na coat doon sa coat rack niyang kahoy. 


Sumulyap lang siya sa 'kin para i-acknowledge ang presensya ko at umupo na siya sa swivel chair niya, hinihintay akong magsalita. Hindi ko alam kung nakikinig siya kaya hindi ako makapagsimula. Binuksan niya kasi ang laptop niya at nagtytype na doon. 


"Are you here to stare at me?" He asked after the silence. 


Dahan-dahan akong naglakad palapit. Hindi ako umupo sa tapat niya at nanatili lang akong nakatayo malapit sa desk niya habang pinagmamasdan ko ang masungit niyang mukha na parang hindi maganda ang gising niya. 


"Can you forgive me now?" I asked.


"About?" Binuksan niya ang drawer niya at namili ng ballpen. 


"About the documents. I'm willing to do anything. That's how much I feel sorry," I offered.


Natigilan siya roon saglit at tumingin sa 'kin, nag-iisip. He shifted on his seat slowly while watching me. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero paniguradong mayroon dahil pinapaglaruan niya ang ballpen sa daliri at nagtagal ang tingin sa 'kin. 


"Anything?" He asked again. 


Natakot na tuloy ako sa offer ko dahil baka kung ano pala ang ipagawa niya sa 'kin! Gusto kong bawiin 'yon. 


"Anything legal," dugtong ko. 


Natawa siya saglit sa sinabi ko at sinandal ang siko sa desk. Nagpahalumbaba siya at hindi inaalis ang tingin sa 'kin. I felt so conscious! Nailang ako at umiwas ng tingin. Bakit ba siya nakatitig? Pwede bang sa ibang bagay siya tumingin habang nag-iisip?!


"I'll think about it." Inalis na niya ang tingin sa 'kin at umayos ng upo. 


Nakahinga ako nang maluwag. Nacurious tuloy ako kung ano ang magiging sagot niya. Sana naman ay 'yung kaya kong gawin at hindi labag sa loob ko! 


The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon