08

3.6M 90.3K 162K
                                    


"May seminar ngayon, wala tayong klase mamayang 3."


Bungad sa 'kin ni Kierra pagkapasok ko ng room. Umalis lang ako saglit para bumili ng tapa tapos wala na agad klase?! Matutuwa ba 'ko roon o maiinis? Nag-handa pa naman ako para sa quiz mamaya tapos hindi pala tuloy. 


"Anong seminar na naman 'yan, required ba 'yan?" Iritang tanong ko. 


"Kapag sinabing required, ibig sabihin hindi required," sagot naman ni Via sa 'kin habang nagbabasa ng libro. 


"Um-attend ka na! Magche-check ng attendance," pagpilit ng pinsan ko sa 'kin. Alam ko namang scam 'yang attendance na 'yan! 


Oo na, aattend na nga 'ko! Ilang seminar na ba ang nakatulugan ko sa buong stay ko dito? Alam ko namang may mga helpful seminars talaga pero hindi ko maiwasang makatulog kapag hindi effective 'yung speaker, e. Mapapagalitan na naman ako. Dati, natawag pa ako ng prof! 


Bandang huli, inubos ko na lang ang tapa ko at dumiretso kami sa auditorium para sa seminar kuno nila. Noong nagsimula na, pumirma na kaagad ako sa attendance ko, isang patunay na narito nga ako kahit labag sa loob ko. Noong kalagitnaan, hindi ko na maintindihan ang sinasabi kaya nag-phone na lang ako. 


 Binuksan ko ang Instagram ko at minessage si Kalix. 


lunavaleria: anong oras date natin? :)


Nag-online siya kaagad at nakita ko na siyang nagtytype. Ang bilis, ah. 


kalixjm: It's not a date. 


lunavaleria: sige, anong oras tayo magkikita? tsaka saan tayo pupunta? 


kalixjm: I'm already here at the hospital. 


lunavaleria: HA TEKA NASA SEMINAR PA AKO BAT DI KA NAMAN NAGMEMESSAGE DYAN 


lunavaleria: wait mo 'ko tatakasan ko 'tong seminar aheheh saan ba tayo punta?


kalixjm: Wag ka nang tumakas. 


lunavaleria: so saan nga tayo pupunta mga ilang ulit pa ko magtatanong? 


"Huy, bawal mag-phone," suway sa 'kin ng President namin. 


Binaba ko ang cellphone ko at patago akong nag-type. 


kalixjm: Buffet. 


lunavaleria: HALA KAKAKAIN KO LANG


kalixjm: Mamaya pa 'yun kaya nga wag ka nang tumakas. 


Tinago ko ang cellphone ko at dahan-dahang kinuha ang bag ko. Tumingin ako sa paligid pero may mga nagbabantay! Nakakainis naman! Umayos na lang ulit ako ng upo at bagot akong naghintay ng oras bago matapos 'yung speaker. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon