14

3.5M 91.8K 180K
                                    


"Saan ako matutulog?" 


Lumabas ako ng banyo na nakabihis na, siyempre! Hindi pa 'ko ready sa mature roles, direk! Chos. 


"That's the problem." Nakita kong umiwas siya ng tingin habang nakaupo siya doon sa kama. 


"Isa lang ang kama?" I finished his sentence. Ano 'to? Ganito palagi ang mga nababasa ko sa fanfic at napapanood ko sa teleserye, ah! 


Pagkatango niya, agad akong naglakad papunta sa king-sized bed at binagsak ang sarili roon sa right side. Napalingon siya sa akin kaya tinapik ko 'yung kabilang side ng kama. 


"Dito ka!" Mukhang tuwang tuwa pa 'ko. 


"Are you sure? I can bring you home-" 


Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinatak ko na siya pahiga roon sa kama. Nagulat siya at akala ko tatayo pero umayos lang siya ng pagkakahiga. Amoy na amoy ko pa ang sabon sa kanya dahil kakatapos niya lang din maligo. Pinigilan ko na lang ang sariling singhutin siya. 


Nakasuot na siya ng sweatpants at shirt at ako naman, dolphin shorts at oversized shirt. Hindi ko naman kasi napaghandaan 'to. Sana ay bumili ako ng lingerie. Chos.


Kinuha ko ang remote sa side table para i-dim 'yung ilaw, handa nang matulog. Kinuha ko na rin ang kumot at in-extend hanggang sa katawan niya para kaming dalawa ang mainitan. Binuksan pa kasi niya ang aircon kahit malamig naman na! 


"Ang lamig naman," reklamo ko. "Ayaw mong magpa-init?" 


Napalayo kaagad siya sa 'kin na parang may nakakahawa akong sakit! Umusog siya palayo kaya tumawa ako kaagad. Hindi ko alam ang iniisip niya pero kape ang iniisip ko. Hindi ko na lang pinilit dahil baka nga hindi kami makatulog. 


Dumapa ako sa kama at humarap sa kanya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. "This is our second time sleeping together." I let out a flirty laugh. "Alam mo, kung hindi lang ako sa UST nag-aaral, baka sa condo mo na ako tumira para gabi-gabi tayo magkatabi." Napangisi ako. 


"Buti na lang." 


Sumimangot ako at humiga na ulit. Kinuha ko ang braso niya para maakbayan niya 'ko bago ko siniksik ang sarili ko sa katawan niya. Hindi naman siya umangal pero parang hirap ang mukha niya. Mabuti at pinapayagan niya 'kong ganito. 


"Unleash yourself," demonyong bulong ko sa may bandang leeg niya. 


"No," masungit na tanggi niya. 


Tumawa ulit ako dahil ang cute cute niya talaga asarin! Mas lalo siyang sumusungit. Pakiramdam ko pinanganak talaga ako para inisin siya. Kung kumikita lang ako sa trabahong 'to, mayaman na 'ko. 


Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Basta nag-uusap lang kami tungkol sa zodiac signs tapos wala na, mukhang bumagsak na 'ko. Pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko physically dahil emotionally and mentally ay narito siya sa puxoh quoh. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon