06

3.5M 92.3K 168K
                                    


Gabing-gabi na at kakatapos ko lang mag-aral para sa quiz nang maisipan kong kulitin si Kalix kahit kanina pa siya nag goodnight. I opened my Instagram and sent him a message. Nagbabaka-sakali lang ako na gising pa siya. 


lunavaleria: are u CA because damn ang lakas ng appeal mo 


I giggled by myself. Ang tagal kong pinag-isipan 'yun. Court of Appeals... Appeal... Natawa ulit ako dahil sa sariling pick-up line. Napaka-brainy ko talaga. 


kalixjm: You need Jesus. 


Mas lalo akong natawa. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko dahil baka maistorbo ko na naman si Kierra kahit malayo naman siya sa 'kin. Baka hindi na 'ko makatulog dahil dito kay Kalix, ah!


lunavaleria: bakit gising ka pa? :) pinag-iisipan mo ba ang galit mo sa samgyup? you're weird. may galit ka sa samgyup. are you a vegetarian?


kalixjm: Wala akong galit sa samgyup. 


lunavaleria: i have a feeling na tayo ang magiging magkalaban sa finals ng basketball 


kalixjm: Anong connect sa samgyup? 


lunavaleria: walang connection. tayo pwede magkaroon tho 


Seen


Tumawa ulit ako at nag-type. Ang lamig naman! Hindi man lang binigyan ng heart ang message ko. Huwag siyang mag-alala dahil balang-araw, magiging heart niya rin ako! Kailangan ko lang paganahin ang skills ko. 


lunavaleria: bakit gising ka pa? 


kalixjm: Hindi tulog. 


lunavaleria: ayos mo kausap ha. maglalawyer ka niyan? ganda ng reasoning mo ih 


kalixjm: Gulo mo. 


Ngumiti ako at nagtype na lang ng goodnight. May quiz pa ako bukas 'no! Natulog na lang ako dahil maaga pa 'ko bukas. Kahit papaano, kailangan ko pa ring mag-aral, 'no! Hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko. 


"Ugh! Napaka epal!" 


Kaunti na lang susuntukin ko na ang screen ng cellphone ko nang makitang nag-IG story na naman si Adonis at nakita kong nagshe-share ng readings si Kalix tsaka 'yung Amethyst! Ang caption pa ay 'Sana ol'! Nakakainis! 


Dahil doon, hindi ko chinat si Kalix buong araw! As if naman na hahanap-hanapin niya ang chat ko. Busy naman siya roon sa readings at sa babae niya. Wow, kung maka-asta ako, akala mo naman ay kami na. Dapat pigilan ko 'tong pagiging ganito ko! 


Nakinig na lang ako nang maayos sa prof kong nagdidiscuss ng history of Archi. Jusko. Mayroon na nga nito noong first year, mayroon na naman ngayon. Si Via, nag-cutting ngayon para tapusin 'yung plates niya. Ang babaeng 'yon! Nagawa pang mag-cutting, ah! Si Kierra naman nakapahalumbaba at kaunti na lang babagsak na dahil sa antok. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon