26

3.6M 89.2K 293K
                                    


"Hindi ba dahil umalis ka, nabawasan sila ng isang taong may prinsipyo?" 


Umiling siya. "I knew I wasn't strong enough to resist." 


"Wala kang tiwala sa sarili mo?" 


Hindi niya 'ko sinagot at nagpirma-pirma lang siya roon. Hindi ko alam kung ano ba ang pinipirmahan niya. Ako naman, nilabas ko ang sketchpad ko at nilapag sa mesa niya ang draft. Tinigil niya muna ang ginagawa para tignan 'yon. 


"Wala ba talagang floor plan ang bahay na 'yon?" Tanong ko sa kanya. 


"Already asked my parents about it. They don't know where it is," sambit niya habang tinitignan ang drinaft ko. 


Sabagay, alam kong luma na nga ang bahay na 'yon. Baka namatay na nga ang architect noon. Chos. Kailangan na talagang palitan ang ibang mga materyal na ginamit doon. Mahihirapan nga lang kami pero ito naman ang trabaho namin, e. Magbabayad naman siya kahit magkano, ayon sa kanya. Hindi ko na kailangan ng double kahit alam kong marami naman siyang pera. 


"I like it." Iyon lang ang sinabi niya pagkabalik sa 'kin ng sketchpad. 


Wala man lang important input! Hinahayaan niya lang talaga ako, e, 'no? 


"Kailangan pa naming bumalik doon. Balak namin i-maximize 'yung space na natitira sa paligid noon para walang sayang. Malaki-laki pa 'yon. Pwede pa nga ang pool sa likod," sabi ko. 


Tumango lang siya sa 'kin at wala na rin naman kaming mapag-usapan kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagbalik sa company, umakyat na 'ko roon sa office ko at naghanda para sa meeting with my team. Updates lang naman ang hinihingi ko tungkol sa projects na in-assign ko. 


Pagkatapos ng meeting, pumunta akong UST dahil inimbitahan nila akong magbigay ng talk para sa mga Archi students. I graduated as the summa cum laude. I remembered it was too good to be true back then. All those cries, wasted efforts, heartbreaks, and pain. Those were all worth it. Kahit nawala ako sa landas, nahanap ko naman ang daan ko pabalik nang maghiwalay kami. Siguro maganda nga talaga ang dulot no'n para sa aming dalawa. 


Hindi ko maiwasan isipin na kung hindi ba kami naghiwalay ni Kalix, mararating pa rin kaya namin ang lugar kung nasaan kami ngayon? Pakiramdam ko ay hindi. Pakiramdam ko at some point, we will realize that in order to grow individually, we'll need to grow apart. I somehow hoped, though, that we can grow together. That we will take care of each other. 


Pero tapos na lahat ng 'yon kaya wala na ring saysay ang pag-iisip ng 'what if's. Wala naman na 'kong magagawa para mabago ang nakaraan kaya sinisigurado ko na lang na gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi na maulit 'yung mga kamalian ko noon. 


It was a great talk. Nag-enjoy naman ako. Parang dati lang, ako ang tumatakas sa mga talk na ganito pero ngayon ako na ang nagsasalita sa harapan. Nakakatawang isipin na siguro ganoon din ang nararamdaman ng mga studyante sa harapan ko... Mga gusto nang umalis, kaya ginawa ko talagang entertaining ang talk ko para naman walang matulog. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon