28

3.8M 90.3K 244K
                                    


"Ilagay n'yo 'yan sa likod. Doon na kayo mag-halo." 


Nandito ulit kami ni Sevi sa Tagaytay. Kahapon, naroon kami sa Rizal para sumali sa pagcheck ng site. Nagsisimula na ang ground breaking doon kaya baka mapadalas ang pagkawala ni Sevi rito. 'Yung isang project, dinaluhan na namin kanina kaya ngayong hapon, dito naman ang atensyon namin. 


"Nakita ko 'yung Instagram post, ah." Nakangisi si Sevi sa 'kin. 


"Hindi ako 'yon. Tawag niya lang 'yun sa buwan." Umirap ako habang tinitignan ang blueprint. 


"Deny lang nang deny!" Pagpaparinig ni Sevi. "Kaka-deny mo, mahulog ka dyan ulit. Tatawanan talaga kita. Hindi na kita tutulungan maka-ahon ngayon, 'no!" 


"Engineer Camero!" 


Sabay kaming napalingon sa tumawag na babae. Kumunot ang noo ko at nagulat naman si Sevi sa hindi niya inaasahang pagdating ng medyo galit na magandang babae sa may gate, kakababa lang sa dalang SUV. Padabog itong naglakad palapit at naramdaman kong kailangan kong umalis kaya nagkunwari akong abala sa backyard. 


Nilabas ko ang cellphone ko nang maramdamang mag-vibrate 'yon. Nag-text pala si Kalix. 


From: Atty. Martinez

I'm on my way. Do you want anything?


Agad naman akong nag-tipa. 


To: Atty. Martinez

The workers need food. 


From: Atty. Martinez

How about you? Nag-lunch ka ba kanina?


To: Atty. Martinez

No. 


Hindi na siya nag-reply pagkatapos no'n. Lumabas na lang ako ulit para i-check 'yung extension sa harapan. Lumayo ako nang kaunti para makita ko nang maigi. Napapasulyap tuloy ako kay Sevi at sa babae na mukhang nag-aaway doon. 


Ano na naman bang ginawa ng kaibigan ko? Pamilyar sa 'kin 'yung babae... Bakit ba hindi ko maalala? Iba ang kulay ng buhok at medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko makita nang maayos. Nahihiya naman akong lumapit. 


Nang lingunin ako ng babae ay napaiwas ako ng tingin. Nakita kong medyo may halong kaunting galit pa ang tingin niya sa 'kin! Hindi naman niya kailangan mag-selos! Wala namang nangyayari sa amin ni Sevi! 


Nang bumalik ako sa gate, narinig ko pa ang iritang sabi ni Sevi. 


"Huwag ka ngang spoiled." 


My mouth formed an 'o' before I entered the house. Ayoko naman maging chismosa kaya roon na lang ako sa loob ng bahay. Maya maya, dumating na rin si Kalix na may dalang pagkain. Dumaan siya sa loob papuntang backyard para ibigay sa workers bago siya bumalik at nilapag 'yung isang paper bag sa breakfast table kung nasaan ako. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon