07

3.6M 92.1K 230K
                                    


"Please? Puntahan natin siya, please? Ako magda-drive!" 


Pilit ako nang pilit kay Kierra dahil early dismissal ngayong araw. Nabobother kasi ako sa sinabi sa akin ni Kalix kagabi na naguguluhan daw siya sa 'kin! Hindi ko alam kung pupunta siya ngayon dito pero gusto ko na talaga siyang kausapin kaya ako na lang ang pupuntang Ateneo! Wala na siyang takas ngayon! 


"Oo na!" Pagpayag ni Kierra. 


Masaya akong naglakad papuntang carpark. Nagdala ng kotse si Kierra ngayon at ako ang nag-drive pagkatapos kong i-text si Sam na pupunta kami roon. Excited daw siya at wala naman na daw siyang klase kaya pwede niya kaming kitain. Nakatambay lang daw siya sa cafeteria nila. Ano ba 'yon? Gonzaga building?  


Walang traffic ngayon dahil maaga pa kaya mabilis lang din kaming nakarating sa Ateneo. Nag-snap ako ng photo at pinost sa Instagram story ko. Ang caption ko ulit: 'San ka na?'. Sana makita niya kaagad. 


"Aga n'yo, ah!" Salubong sa amin ni Sam nang sunduin kami mula sa pinag-parkingan namin. Naglakad kami sa tinatawag niyang Gonzaga. 'Yung cafeteria nila na may mga food stalls and tables around. 


Hindi ko maintindihan ang ibang lengwahe nila, ah. They had codes! Minsan, hindi na lang ako nag-aabalang intindihin ang mga sinasabi ni Samantha. Habang naglalakad kami, pahinto-hinto pa kami dahil ang dami niyang binebeso, binabati, at niyayakap. 


"I'm not sure kung anong oras dumadating sila Kalix but usually, doon sila nakaupo so wait ka lang," sabi niya sa 'kin pagkaturo roon sa kabilang table sa hindi kalayuan. Natatanaw ko pa rin naman kasi hindi ganoon kalayo. 


"Ito kasing tangang 'to, hindi ko alam ang sinabi kay Kalix at bigla na lang daw umalis kagabi sa condo," si Kierra na ang nag-chika.


"What?! Nasa condo mo siya kahapon?!" Gulat na tanong ni Sam. "Anong nangyari?! Did you kiss?! Did you have sex?! Oh my god!" 


Gusto kong takpan ang mukha ko sa lakas ng boses ni Samantha. Nakakahiya pa ang pagka-vulgar ng bibig niya. 


"Hindi, huwag kang maingay!" Sabi ko sa kanya. 


Umayos siya ng upo at bumulong. "Really? Walang nangyari? Are you sure? Paturo ka kay Yanna! She will teach you her skills!" 


"Hindi naman 'yun ang hanap ko, okay?" Pagpapaliwanag ko. 


Palibhasa silang dalawa ni Yanna ay parang nakikipag-paligsahan sa isa't isa ng paramihan ng nahaharot tuwing lalabas kami! Panalo nga lang si Yanna as of now. Inaraw-araw ng gaga. Kagabi nga kinekwento niya sa GC na may naka-'karat' daw siyang guy sa C.R ng cinema tapos may sumilip daw na bata mula sa ilalim, hinahanap mama. 


"Here they are." Kinurot ako ni Sam sa bewang para makuha ang atensyon ko. 


Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Kalix, Adonis, Leo, at 'yung Amethyst. Kausap ni Kalix si Adonis habang naglalakad, mukhang may pinapaliwanag. Naka-button-down polo shirt siya na may blue and white design at black shorts. Suot niya ulit 'yung iconic Balenciaga shoes niya at 'yung digital watch pati necklace. Naka-ayos din ang buhok na mukhang winax. Ang gwapo naman. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon