27

3.5M 94.3K 273K
                                    


"Napakalandi mo!"  


Inis kong hinampas ulit ng bag si Kalix. Mabuti na lang ay walang nahulog muli mula sa bag ko. Inis na inis akong tinitignan ang mukha niya ngayon! Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon habang may girlfriend siya.


"Hindi ka na nagbago! Manloloko ka pa rin," matalim na sabi ko at nilagpasan siya. 


Hindi pa 'ko nakakalayo ay hinawakan niya na ulit ang braso ko at pilit hinarap sa kanya. Seryoso siya at may halong galit ang mga mata. "Where are you going?" Pero kahit ganoon ay kalmado pa rin siyang nagtanong. 


"Uuwi! Bitawan mo nga 'ko! Ang landi mo!" Inagaw ko ulit ang braso ko.


Hindi pa rin talaga niya 'ko tinigilan at talagang humarang pa siya sa dinadaanan ko. Hilong hilo na 'ko kaya huminto na 'ko sa paglalakad at humawak sa ulo ko. Gusto kong hampas-hampasin si Kalix pero parang nawawalan na 'ko ng gana makipagtalo. 


"Please lang, Kalix, wala akong balak maging kabit!" 


Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at saglit na natigilan. Nang makaget-over, tumikhim siya at nilabas ang susi ng kotse ko mula sa bulsa niya. 


"I'll take you home and we'll talk when you're sober," seryosong sabi niya.


Hindi na 'ko nakipagtalo dahil gustong gusto ko nang umuwi. Hindi niya binitawan ang susi ng kotse ko hanggang sa makasakay na 'ko sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung kailan niya balak ibalik sa 'kin 'yun pero nawawalan na 'ko ng pakialam. Mas may pakialam pa 'ko sa ulo kong tumitibok na sa sakit. 


"Water." Kinuha niya ang tumbler sa backseat at inabot sa 'kin. 


Uminom naman ako roon, umaasang mawala ang pagkahilo ko. Hindi talaga nakakatuwang uminom nang sobra. Bukod sa masakit na nga sa ulo, kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig ko. Parang hindi ko mapigilan. Ayoko na lang mag salita! 


"Tapos ihahatid mo pa 'ko. Ang landi mo talaga..." Bumubulong-bulong na 'ko pero alam kong naririnig niya. Dapat ay sa utak ko lang 'yon! Bakit ko sinabi?! 


Hindi niya pinapansin lahat ng binubulong ko. Hindi man lang dinedeny ang mga sinasabi ko. Mukhang aminado siya sa sarili niyang malandi siya, ha. 


"Baka nakakalimutan mo si quartz. Hello? Iniwan mo siya roon pagkatapos mong makipagbulong-bulong-bulungan!" Ang haba ng sinabi ko. 


"Quartz?" Kumunot ang noo niya habang nagda-drive.


"E, 'di 'yung girlfriend mo. Remember? 'Yung pinalit mo sa 'kin?!" Matalim ko ulit siyang tinignan.


Suminghap siya at mukhang sinusubukan panatiliin ang maikling pasensya para sa 'kin. Hindi niya 'ko tinignan pero humigpit ang hawak niya sa manibela. 


"I never replaced you," seryosong sabi niya.


The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon