"May naka-ready na 'kong contract dito, Architect!"
Bibong nilabas ni Adonis ang isang folder at iaabot na sana sa 'kin nang niliko niya 'yon at kay Kalix inabot. Hindi ako makapagsalita sa gulat dahil hindi pa rin nag sisink-in sa 'kin na ako ang magdedesign ng bahay niya.
"'Yung tungkol sa payment, nandiyan na rin. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan kahit representative lang ako rito! Proxy, ganoon. Pero para panatag ka, may kontrata tayo. O, Attorney, review mo 'yan, ah..." Parang nanggagago lang si Adonis. Nakangisi pa.
"May... design ka na bang naiisip?" Tanong ko.
"Pag-usapan natin sa susunod na meeting natin. Tatanong ko pa si Dad." Nakangiti nang mapang-asar si Adonis buong usapan. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang seryosohin sa itsura niya.
"I'll review this one. I'll also give you a copy so you can check," sabi sa 'kin ni Kalix, hindi inaalis ang tingin kay Adonis. Para silang nag-uusap sa itsura nila.
"Two copies na 'yan, bro," singit ni Adonis. "Ay, Attorney pala!"
"I'll update you kung sino sa team ko ang ia-assign ko sa project na 'to..." Inayos ko ang gamit ko. "I can't always be present. May iba rin akong projects."
"Diba, Attorney, magpapatayo ka rin ng bahay? Kailan 'yon?" Tanong bigla ni Adonis.
Napatingin ako kay Kalix na tahimik lang at mukhang gustong batuhin ang kaibigan sa mukha. Tinaasan niya ng kilay si Adonis at napainom siya sa baso niya, umiiling. Hindi man lang sinagot.
"Mauuna na 'ko. Mukhang you guys need to catch up." Tumayo ako at kinuha ang handbag ko. Ang sabi niya ay long time no see so I assumed that they didn't get in touch with one another. I will just let them have a conversation.
"Huh? E, kakakita lang namin kagabi." Malakas na tumawa si Adonis.
What the hell... So para saan ang 'long time no see'? Napangiti na lang ako nang pilit at bago maglakad paalis, nakita kong hinampas ni Kalix ang folder sa ulo ng kaibigan at sumunod sa 'kin paalis.
Huminto ako nang kuhanin na ng valet ang sasakyan ko. Ganoon din kay Kalix. Nanatili siya sa tabi ko at nakapamulsa.
"Here." May inabot siyang document sa 'kin. 'Yung contract ata.
Kinuha ko 'yon at hindi na sumagot. Dire-diretso lang akong sumakay sa kotse ko at nag-drive paalis. Nagpahinga na rin ako kaagad pauwi. Habang nakahiga sa kama, may naisip akong hindi ko alam na gagawin ko.
I opened my Instagram and checked Kalix's profile. We never unfollowed each other. Nang tignan ko ang profile niya, wala nang posts doon ng kahit ano. Itim lang din ang profile picture niya. Para naman 'tong nagluluksa. Wala rin naman akong napala sa profile niya kaya natulog na lang din ako. Masyado siyang private na tao.
Kinabukasan, iyon na naman ang naramdaman ko. Bumalik na naman ang stress sa 'kin pagkapasok ng building. Nagpatawag kaagad ako ng meeting ng mga in-assign ko para sa bahay ni Adonis. Dalawa lang 'yon para may proxy ako if ever wala ako. Ang sabi ni Adonis, ako na rin daw ang bahalang kumuha ng engineer na gagawa kaya kinailangan kong kausapin si Sevi.
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...