"You are almost 7 weeks pregnant, Miss Valeria."
Iyon pa rin ang laman ng utak ko pagkatapos akong i-ultrasound. Hindi ko mapigilang maluha nang ituro sa screen ng doktor kung nasaan ang baby ko. Hindi pa siya masyadong kita dahil kakasimula ko pa lang pero naluha pa rin ako, iniisip na mayroon na 'kong aalagaan sa tyan ko.
I asked a few more questions before I left the clinic, holding a copy of the ultrasound. I went here alone because I wanted to make sure of it first before I tell Kalix. Kabadong-kabado ako at hindi makahinga kaya umupo muna ako saglit sa labas ng clinic.
Pinagmasdan ko ang ibang mga babae na kasama ang mga asawa nila. Malalaki na ang tyan ng iba at masaya silang hinahaplos ang tyan ng babae. My lips formed a sad smile. Hindi ko alam kung magugustuhan ba 'to ni Kalix. Hindi ko alam kung handa na ba siyang magkaroon ng anak.
Wala pa 'kong pinagsasabihan kung hindi si Kierra. Alam kong kailangan ko ring sabihin sa magulang ko. Siguradong hindi ako pagtatrabahuhin noon kapag nalaman! Sasabihin noon ay magpahinga na lang ako sa bahay buong araw para hindi ako mapagod. Kaya ko naman. Hindi pa naman malaki ang tyan ko.
"O, Architect! Late ka ata!" Salubong sa 'kin ni Sevi habang naglalakad ako sa hallway papasok sa board room para sa meeting.
"May dinaanan pa 'ko, e." Alanganin akong ngumiti sa kanya.
Mabuti na lang at hindi na niya tinanong kung saan ako dumaan. May plano rin naman akong sabihin sa kanya mamaya, e, para lang makita ko kung paano siya magre-react. Baka sakaling ganoon din ang magiging reaksyon ni Kalix.
Wala sa meeting si Kalix, mabuti na lang. Busy siya ngayon doon sa firm niya at hindi rin naman siya kailangan sa meeting na 'to dahil tungkol lang 'to sa construction sa Rizal. Nanghihingi lang sila ng updates or reports.
"Male-late po si Mr. Valeria," sambit ng secretary ni Daddy habang namimigay ng snacks.
I bit my lower lip and looked at the baked cookies, tinatantya ang sikmura ko. Hindi naman siya naka-apekto sa 'kin kaya kinuha ko 'yon nang maka-kain. Alam kong hindi sapat ang dalawa lang dahil dalawa kaming kumakain kaya tumingin ako kay Sevi.
"O, ano?" Napatigil si Sevi na kakagat na sana sa cookies niya.
I stared at him and looked at his cookie.
"Bakit ka nakatingin?" Napaatras siya at binaba ang cookies. Sinundan ko ng tingin 'yon, nagpapahiwatig sa kanya. "Pucha, gusto mo?"
Tumango ako. Bumuntong-hininga siya at binigay sa 'kin 'yung isa kahit labag sa loob niya. Hinati niya naman 'yung isa at binigay din sa 'kin ang kalahati. Para siyang batang naagawan ng candy ngayon, nakasimangot pa.
"Ang takaw mo naman," puna niya at umirap.
"Hindi," tanggi ko. Kailangan ko lang talaga.
"Pero 'yung carbonara ko hindi mo man lang tinikman." May sama pa rin siya ng loob.
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...