"Makakalabas na raw ako."
Para namang nakulong 'tong lalaking 'to! 'Yon ang salubong ni Sevi sa akin pagkapasok ko sa hospital room niya, dala-dala ang pinabili niyang KFC doon sa carpark. Ang bilin pa naman sa 'kin ay huwag ko raw bilhan ng fastfood dahil malala ang training nila ngayon. UAAP season na kasi.
Naabutan ko siyang nakaupo na at mukhang hindi naaksidente dahil nakakagalaw na nang maayos 'yung kamay. Minor injury lang naman daw kasi kaya pwede na raw siyang bumalik sa pagbabasketball. UAAP season na nga kasi! Hindi pwedeng mabulok dito sa hospital ang captain ng basketball team. Bobo naman kasi nitong si Sevi, kung ano ano ang ginagawa!
Umupo ako sa may sofa at nilabas 'yung assignment ko. Dito ko na lang gagawin habang dumadaldal 'tong si Sevi. Sa totoo lang, kaya lagi ako bumibisita dito e nagbabaka-sakali lang naman na makikita ko ulit si Kalix.
Wow, close kami? First-name basis.
Malay ko ba kung anong apelyido niya. Basta si Atenean guy!
"Ano 'yan?" Curious na sumilip si Sevi sa dinadrawing ko kaya agad kong nilayo sa kanya para asarin siya. Ngumuso siya at inirapan ako saka umayos na lang ng upo doon sa hospital bed, kunwari nagtatampo.
"Isip-bata," bulong ko pero sapat lang para marinig niya.
"Anong isip-bata? Ikaw nga naglayo dyan sa papel mo, kala mo naman aagawin ko. Sa 'yo na 'yan, uy!" Pakikipagtalo niya sa 'kin.
"Nagda-drawing ako. Baka kasi Architecture ang kinuha ko, 'di ba?" Pilosopong sabi ko.
"Nye nye nye architecture kinuha ko diba?" Pang-gagaya niya sa 'kin na parang bata.
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nanahimik siya habang naglilipat ng channel sa TV. Napaangat ang tingin ko nang may kumatok. Napatigil tuloy ako sa pagdadrawing nang pumasok ang doktor ni Sevi. Tumingin ako sa likod niya pero wala si Kalix.
Hays, sayang. Saan ko ba makikita 'yon? Puntahan ko kaya si Sam kunwari sa Ateneo? Baka naman mahalata niya na may crush ako roon! Madaldal pa naman 'yon!
Nang matapos kausapin ng doktor si Sevi, tumayo na rin ako dahil kailangan ko na ring umuwi. Nakita ko ang gustong pagpigil ni Sevi na umalis ako dahil wala pa ang parent niya at maiiwan siya sa kwarto mag-isa pero nararamdaman ko kasing uulan kaya nagmadali na akong umalis. Kawawa naman siya.
Doon ako sa España mag-aabang ng jeep kaya doon ako lumabas at naghintay saglit sa waiting shed na tumigil 'yung ulan kasi wala akong payong. Malamang pagbaba ko ng jeep eh mauulanan ako dahil may tatawiran pa akong overpass.
Umupo muna ako sa waiting shed habang nakatingin sa harapan, pinapanood ang mga sasakyan. Naalis lang ang tingin ko doon nang may makita akong pababa ng overpass. Napaawang ang labi ko nang makita ko si Kalix na may hawak na shake sa kamay at padaan na sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...