"Please, please, Ma'am, I was sick yesterday, please!"
Hinabol-habol ko ang prof ko habang dala-dala ko ang pinapagawa niyang final project. Late akong magpapasa. Hindi ko alam na kahapon na pala ang deadline kaya minadali ko pero ngayon, ayaw niya nang tanggapin. Malaki ang magiging epekto noon sa grades ko pero inuna ko pa rin ang kay Kierra kesa sa 'kin. Akala ko ay pang mga early-passers lang na gusto ng plus grade ang kahapon kaya sa kanya ang pinasa ko hindi sa 'kin.
"Si Miss Kierra ay nakapagpasa kahit nasa hospital. What's your excuse?"
Kinagat ko ang ibaba ng labi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ako ang tumatapos ng mga ginagawa ni Kierra. Sinimulan na ni Ke ang mga 'yon noon at tinuloy ko na lang. May possibility kasi na mag-repeat siya kapag hindi pa siya nagising bago ang pasahan ng grades kaya sinusubukan ko siyang tulungan. Nakalimutan ko na pala ang sa akin.
"Kahit minus 10, Ma'am," pagmamakaawa ko ulit.
"Luna..." Humarap siya sa 'kin. "I'm gonna be frank. I don't know what's happening to you but I'm starting to dislike your recent works. If you don't do well in your finals, you will lose a spot in the Dean's list. You're one of our honor students. Don't lose it."
Kinuha niya ang project ko at sinabing may minus ako. Hindi ko lang alam kung gaano kalaki. Napaiyak na lang ako sa gazeebo habang pinoproblema lahat ng bagay. Ang dami daming nangyayari. Parang hindi ko na kayang pagsabay-sabayin lahat.
Kanina pa tumatawag si Kalix para kumustahin ako pero sabi ko ay may gagawin pa 'ko kaya hindi ulit kami magkikita. Pinunasan ko ang luha ko bago ko binisita si Kierra. Hindi pa rin siya gising. Malala ata ang tinama ng ulo niya sa lamesa.
Isa pa si Miguel. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Kierra dahil hindi rin siya nagsasalita tungkol doon. Kalong kalong siya ng ama niya na parang bata! Paulit-ulit dinedeny ng kampo nila ang nangyari at wala raw kaming ebidensya. Hindi pa ba ebidensya na nasa hospital si Kierra sa dami ng pasa niya? At 'yung ulo niya?
Nakaupo ako sa tabi ni Kierra at hawak ko ang kamay niya habang nakayuko ako at lumuluha. Ang dami kong iniisip. Ang dami pang gagawin pero nandito ako at umiiyak. Parang kahit pag-iyak ay nanghihinayang pa 'ko. Parang sayang sa oras.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Nakita ko si Kalix na sinasara na ulit ang pinto. Napaawang ang labi ko nang makita ko siya dito. Napatingin kaagad ako sa orasan dahil alam kong may klase pa siya.
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"Why are you crying?" Tanong niya pabalik at lumapit sa 'kin.
Gusto kong magsalita pero naiyak na lang ulit ako nang yakapin niya 'ko. Umiyak ako sa damit niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Nakaupo ako at nakatayo siya sa gilid ko. Nakayakap ako sa bewang niya habang umiiyak.
"Ang bigat bigat..." Humikbi ako.
"I love you," bulong niya rin. "If there's anything I could do, please tell me."
BINABASA MO ANG
The Rain in España (University Series #1)
RomanceUniversity Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lis...