17

4.3M 90.7K 244K
                                    


R-18. Read at your own risk. 


"As soon as we get there, greet your Titas and Titos."


Kakakuha lang namin nila Mommy at Daddy ng mga bagahe namin sa airport, hinihintay 'yung Tito ko na susundo sa amin gamit ang van papuntang New Jersey. It was a very tiring flight. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko sa eroplano sa haba ng oras na nakaupo ako roon. Kung ano-ano lang pinapanood ko. Kung hindi nanonood ng movie, natutulog naman.


"Hindi talaga tayo magho-hotel sa New York?" Tanong ko kay Mommy, nagbabaka-sakali.


"Napakalapit lang noon, anak," sagot niya habang inaayos ang mga dala-dala niya.


Sumimangot ako. Nauna na noong isang araw pa sila Kalix dito sa U.S. at naka-hotel sila sa New York. Sa ganitong season, sobrang hirap talaga makahanap ng hotel. Mayaman lang ata talaga sila Kalix at pinapatos ang mga five-star hotels dito.


Ang usapan namin ay magkikita kami kapag napadpad kami sa New York. Hindi ko nga lang alam kung paano ako magpapaalam kila Mommy! Anong sasabihin ko?! Hindi naman nila alam na may jowa ako! Hindi pa rin ako ready ipakilala siya.


Or baka pwede naman?


"Luna, tara na! Ano pang hinihintay mo diyan?" Narinig ko na ang tawag ni Mommy.


Dali-dali kong hinatak ang dalawang malaking maleta. Ito ang mahirap kapag umaalis ka tuwing winter, ang dami mong kailangan dalhing damit kasi malamig, e! Buti pa si Kalix ay kaunti lang dahil doon na raw siya mamimil! Tinulungan ko kasi siya mag-impake ng damit.


"Ang laki laki mo na, ah! Dalaga na!" Bati sa 'kin ng Tita ko pagkapasok ng van.


Ngumiti lang ako. Alam ko na ang kasunod niyan. Magtatanong na 'yan kung may boyfriend na ako at kapag sinabi kong wala, bakit daw maganda naman daw ako. 'Matic na 'yang mga ganyan!


"Wala pa siyang boyfriend, Tess," sagot ni Mommy na nakangiti.


"Bakit naman wala?! Dapat mayroon na! Maikli lang ang buhay kaya dapat enjoy-in mo! Of course, don't forget your studies. Tsaka kung pipili ka ng boyfriend, pumili ka noong kaya kang buhayin!" Sambit ni Tita.


"Luna can live by herself. Hindi siya aasa sa kabuhayan ng mapapang-asawa niya," striktong sagot ni Daddy.


"Sabagay, tama nga naman! Pero bakit asawa kaagad?! Boyfriend muna! Ano bang klaseng boyfriend ang gusto mo para sa anak mo, mare?"


Nag-isip si Mommy. "I don't have time to think about that. Wala ata akong magugustuhan para kay Luna. She's still a baby."


Napairap ako at sinuot na lang ang airpods ko. Chinat ko si Kalix na nakarating na kami at natulog na lang ako ulit. Pagdating namin sa bahay ng Tita ko, naka-decorate na 'yon at mukhang handang handa na sa Christmas Eve mamaya. Malaki ang bahay pero ang nakatira lang ay ang kapatid ni Daddy, si Tito Fred at ang asawa niya, si Tita Tess. Wala silang anak. Mayroon lang silang mga kaibigang Pinoy na inimbita rito para nga sa Christmas Eve.

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon