03

3.9M 99.8K 207K
                                    


"Hoy, nagmamadali umalis?" 


Kumaway ako kay Kierra pagkapasa ko ng gawa ko sa President namin. Siya na raw ang magbibigay kay Sir kasi absent. Mabuti na nga lang at absent dahil binigyan kami ng palugit sa oras ng pagpapasa kaya natapos ko rin by 5 PM 'yung gawa ko. 


Pinagsisisihan ko na tuloy na tinaboy ko si crush. Paano ko na siya hahanapin ngayon, ha? Wala naman akong number noon! Nangako pa siya na mamaya kami maglalandian diba? Nasaan na siya ngayon?! 


Tinanggap ko na lang na hindi ko naman siya macocontact kaya lumabas muna akong Noval para bumili ng milktea bago bumalik sa loob ng USTe dala-dala 'yung milktea ko. Palinga linga pa ako sa paligid, umaasang makikita nga siya.


"Hoy!" 


Napalingon ako kay Sevi nang tinawag niya ako. Tumatakbo na siya palapit sa 'kin ngayon galing doon sa field. Huminto ako sa paglalakad dito malapit sa may BGPOP at hinintay siyang makalapit.


"Anong kailangan m-" Napatigil ako nang kinuha niya ang milktea ko. "HOY!" Hinatak ko ang buhok niya para hindi niya inuman pero nauna na siya. 


Masama ko siyang tinignan nang ibalik niya sa 'kin ang milktea ko, tuwang tuwa pa. Napaka-kapal talaga ng mukha! 


"Pakyu, Sevirous!" Galit na sabi ko. 


Tinawanan niya ako habang nagpupunas ng pawis. Naririnig kong pinagbubulungan siya ng mga babaeng dumadaan sa likod ko. Hindi naman kasi mapagkakaila na gwapo siya, oo. Tapos captain pa siya ng basketball team. Full package. 


Tarantado nga lang! Hayop na 'yan! Ininuman milktea ko! 


"Kapag ako nagkasakit at namatay dahil sa laway mo, ikaw magbabayad ng hospital bills at funeral ko!" Halos sakalin ko na siya. 


"Luh, O.A!" Inismiran niya ako at iniwasan ang kamay kong handa nang sakalin siya. 


"Bumalik ka na roon! Hanap ka na ng instructor n'yo!" Tinulak ko siya pabalik habang pinupunasan ang straw ng milktea ko. Ngumisi siya sa akin at may kinawayan pa sa likuran ko bago tumakbo pabalik sa field. 


Umirap ako at pinagpatuloy ang paglalakad. May mga nakakasalubong akong kakilala ko na kinakawayan ko na lang. Halos maikot ko na 'tong buong UST pero hindi ko pa rin siya nakikita. Umupo na lang ako sa isang bench sa Plaza Mayor, sa tapat ng Main Building at doon nagmasid ng mga dumadaan. 


Nag-retouch pa naman ako para sa kanya. Nag pulbos ako tapos naglagay pa 'ko ng cheek tint at lip tint. Nagpabango pa 'ko at inayos ang bun ng buhok ko. Nag-laglag ako ng kaunting hibla ng buhok sa may magkabilang gilid ng mukha ko para kunwari messy bun. 


Pinaghandaan ko 'to, oh! Kung alam ko lang kasi na dadating siya kanina e 'di sana nag-gown ako! 


Sumimangot ako habang nakatingin sa main building. Para talaga siyang painting, e, 'no? Isa 'to sa dahilan kung bakit dito ako nag-enroll, e. Pakiramdam ko narerelax ako kapag tinitignan ko ang building na 'to pagkatapos ng klase. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon