16

3.9M 85.9K 157K
                                    


"Mukbang ba 'to? Ang dami! Kung naging YouTubers tayo, Kalix, kikita na tayo!" 


Ang dami pa ring nilalapag ng waiter sa lamesa namin at puro seafood 'yon. Parang hindi na kami nagsasawa sa seafood. Minsan lang naman kasi. Kakatapos lang namin mag parasailing, banana boat, at 'yung iba pang sea sport activities kaninang umaga. Hindi namin nagawa lahat dahil nga gutom na talaga kami ngayon. 


"Why? You don't like it?" Tanong niya habang inaayos 'yung utensils. 


Umiling ako. Naglalaway na ata ako sa sobrang takam. Ako na ang nangunang manguha ng mga ulam. Parang ilang araw akong hindi kumain sa sobrang gutom ko. Nakakapagod naman kasi 'yung pinag gagagawa namin kanina. Doon sa parasailing, nalaman ko na walang katakot-takot si Kalix sa heights. Sa susunod, isasama ko siya sa mga amusement park dahil alam kong okay lang sa kanya sumakay sa mga rides. 


Pagkatapos namin kumain, bumalik kami sa hotel para magpahinga. Dumiretso siya sa balcony para roon sa jacuzzi. Kahapon pa niya gustong mag-chill dyan sa jacuzzi na 'yan at mukhang hindi na siya makapaghintay. Tamang tama at naka-bikini pa rin ako sa loob ng cover-up ko kaya sumunod ako sa kanya roon. 


Wala siyang suot pantaas at naka black board shorts lang. Ang dalawa niyang braso ay nakasandal doon sa jacuzzi. Hindi niya ata napansin na sumunod ako dahil nakatingala siya at nakapikit at halatang nagpapahinga. 


"Pagod ka?" Tanong ko pagkaupo ko sa tapat niya.


Dumilat siya at tinaasan ako ng kilay. "No." Umiling siya. "It's good. My favorite part is when you fell from the banana boat."


Sumimangot ako at tinalsikan siya ng tubig gamit ang kamay ko. Nahulog kasi ako sa banana boat kanina dahil hinamon ko pa si kuyang nagpapaandar na bilisan niya ang pagpapatakbo para may thrill. Nahulog tuloy ako. Hindi man lang ako sinalba nitong si Kalix at tinawanan lang ako! 


Sinasanggi 'yung tubig na hinahampas ko sa kanya pero parang kiliti lahat ng hampas ko at mas lalo lang lumakas ang tawa niya. 


"May gusto ka pa bang gawin ngayon?" Tanong ko. Wala na kaming gagawin dahil bukas pa ang snorkeling namin. 


He shrugged. "I just want to chill. Take a nap or something." 


Tumango ako at lumapit sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin na may binabalak ako. I just straddled his hips and fixed his hair on the style that I wanted. Hinayaan niya lang akong gawin 'yon, nakasandal pa rin ang braso. 


"Marami ka pa atang gagawin pagbalik mo ng Manila? We can move our flight one day earlier. Wala naman na tayong masyadong gagawin dito," sambit ko. 


Kagabi kasi noong nagising ako nang madaling araw, nakita ko siya na may ginagawa sa laptop niyang school paper. Kaya madaling araw niya ginagawa, e dahil ayaw niyang ipakita sa 'kin. Siya kasi ang nagsabing huwag gumawa ng acads stuff habang nasa bakasyon, e. Hindi naman ako magagalit kapag ginawa niya 'yon. 


"Really? You won't get mad?" He asked. 


The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon