Chapter 45: Unexpected Guest

161 3 0
                                    

"Ah--- Doctor Zhao--I am just kidding! How could my boss be married? Wala naman po syang girlfriend at halos lahat ng oras nya nilalaan lang sa office," pasisinungaling ni Harold.

"Kaya nga nagataka ako sa sinabi mo. I know this child, he is like my own son. Naalala ko pa noong dinala sya ni Brent at Shantal sa hospital ko noon sa Europe branch, hindi nakakapagsalita. He suffered a rare type of mute autism," pahayag ng Doctor na may halong lungkot sa mukha.

"His parent's love him so much. Mula po ng kabataan namin, ilang beses ko na syang nakikita noon sa event ng company nila sa Singapore. Sabi ng father ko, I will be working with him. I was trained to be his personal Assistant. Kaya po kahit papaano kilala ko na sya, minsan lang sa dami ng trabaho napapabayaan ko pong bantayan lahat ng ginagawa nya," Harold said.

"Nah! You are doing good! Brielle might so stress recently kaya sya nagkaganito. I think if only he could see the person who caused his loneliness, there is a big chance for him to change into a vibrant individual,"

"Ah, si Miss Huo po ba ang tinutukoy nyo?" tanong ni Harold.

"How did you learn about Miss Huo?" nilingon sya ni Doctor Zhao na tila tinatantiya ang bawat reaksyon nya.

"Ah---ah--ano po eh---narinig ko lang sa---sa company dati, binabanggit si Miss Huo!" kandautal nyang paliwanag. "Shit! Harold, ano bang nakain mo today at panay banggit mo kay Miss Huo?" lihim nyang kastigo sa sarili.

"Medyo kilala ko rin ang batang iyon, anak sya ng may-ari ng HUO Group, hindi alam ng karamihan ang history nilang dalawa ni Brielle. Anyways, let's drop this topic. Brielle suffered minor fever. Lalagyan ko lang sya ng IV Dripping at may iiwanan akong gamot sa na dapat mong ipainom every 4 hours hanggang sa bumaba ang lagnat nya. Kaya lang napapansin ko bakit may sugat ang kamay nya?" tanong nito.

"Hindi ko po alam saan galing iyan. Nadatnan ko sya kanina dito sa bahay nya na tulog po sa living room, pero nagkalat ang mga basag na gamit. Tingin ko po naglabas ng sama ng loob kaya marahil nagkaroon sya ng sugat!"

"This is not a good sign, he suffered depression I guessed. Paki-bantayan ang bawat galaw nya. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin. Ito ang mga gamot at saka prepare a good meal for him," paalam nito at dinampot na ang bag matapos kabitan si Brielle ng IV Dripping.

"Doctor Zhao, pwede po bang makiusap? Huwag nyo nalang po sanang banggitin kela sir Brent at Ma'am Shantal ang nangyari kay Sir Brielle. Promise ko po sayo, aalagaan ko sya hanggang sa gumaling," pakiusap ni Harold.

"Okay, but make sure to communicate with me if Brielle's condition getting worse!" Doctor Zhao, patted his shoulder.

"Ihahatid ko na po kayo hanggang sa gate," aniya.

"No, you stay here! Bantayan mo nalang si Brielle. Dala ko naman ang sasakyan ko. Sakaling magising sya sabihin mong pumunta ako rito," bilin nito bago tuluyang umalis.

Pagkaalis ni Doctor Zhao mabilis na inayos ni Harold ang pagkakahiga ni Brielle sa kama. He decided to call Timmy to ask an update.

"Timmy, ano nang balita?" bungad nya rito.

"Sir Harold, wala pa po eh. Hindi pa nahanap ng mga tao natin si Miss Huo. Pero huwag po kayong mag-alala gagawin namin ang lahat para mahanap po sya," tugon ni Timmy.

"Kailangang mahanap natin si Miss Huo ngayong araw na ito. Hindi maganda ang kondisyon ni Sir Brielle," malungkot na tugon ni Harold.

"Huh!? Anong nangyari po?" concern na tanong nito.

"He got sick. Sa sobrang pagod at stressed nya marahil sa magdamag na paghahanap kay Miss Huo,"

"Kawawa naman si sir Brielle. Sige po sir Harold huwag kayong mag-alala mahahanap natin si Miss Huo," Timmy assured him.

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now