Chapter 25: Call His Parents

134 10 0
                                    

"Talaga?! Nagustuhan mo ang niluto ko?" tila batang paslit na tanong ni Ivana at lalong nagningning ang mga bilugan nyang mga mata.

"Oo naman. Seryoso at totoo ang sinabi ko. Hindi ko akalain na marunong kang magluto kasi pakiramdam ko spoiled brat ka lang at walang ibang gawin kundi ang magsayang ng pera," tugon ni Brielle habang tuloy ang pagkain nito.

"Hmph! Hindi ah! Sa totoo lang libangan ko lagi ang pagde-design ng iba't ibang jewelry at pagluluto. Sumasama ako sa mga lakad ng barkada kapag niyaya pero nakikisama lang ako," madamdaming sabi nya.

"Kumain kana. Kanino mo pala natutunan ang pagluluto?" anito.

"Doon sa katulong namin noon sa Singapore. She is like my Mom, she taught me how to speak native Filipino language. She told me, life in the Philippines was so hard and everyone doesn't have an equal opportunity to earn enough for the family needs. Kaya sabi nya maraming OFW dahil nagbabakasakali na makapag padala ng malaking halaga panustos sa pangangailangan ng pamilya," She seriously answered him while chewing her food.

Huminto pansamantala sa pag subo ng pagkain si Brielle. Saka nagsalitang muli, "Tanda mo ba ang pangalan nya?"

"Oo pero ang eksaktong address nya hindi ko alam. Bakit mo naitanong?"

"Gusto ko sanang hanapin sya, baka lang gusto mong magtrabaho sya ulit sa atin para may kasama ka lagi sa bahay tuwing wala ako!" Brielle said with concern.

"Huwag na Hon, kaya ko naman gawin ang lahat ng gawaing bahay!" she abruptly said.

"No! I've hired a stay out helper, every weekend she came here to clean the house. You do not need to do the cleaning. Gusto kong mag-focus ka sa pag-aaral online. At mag-aalaga sa akin. Bilang asawa ko, ikaw na lahat ang mag-aasikaso ng pangangailangan ko. Later, pag-akyat natin sa taas saka natin pag-usapan ang bagay- bagay!"

"Okay, sige sabi mo eh!" she shrugged her shoulder then silently eat.

Matapos ang masarap na hapunan namalagi muna sila sandali sa sala at nanood ng TV. Napansin ni Ivana na nakapikit na si Brielle. Mabilis nyang in-off ang TV at ginising ito.

"Hon, akyat na tayo, inaantok kana eh!" she touches his handsome face.

Naalimpungatan si Brielle ng nararamdaman nya ang malambot na kamay ni Ivana sa pisngi nya. "Baby, anong oras na? Tapos na ba ang pinapanood mong palabas?"

"Past 9 pm na, tulog ka na eh kaya in-off ko na ang TV. Akyat na tayo para makapag-pahinga na tayo ng maayos," anyaya nya rito.

Brielle stood up and held her hand. "May sasabihin ako sayo," anito na tila tinatantya ang reaksyon nya.

She looks at him seriously and waited for his words. "Anong sasabihin mo?"

"Tatawag ako sa Singapore. Pag-akyat natin sa kwarto mag-stay ka muna sa banyo kasi di ko pa nasabi sa parents ko ang status nating dalawa,"

"Bakit sa banyo pwede namang sa isang sulok nalang na di nila ako makikita. Gusto kong marinig ang sasabihin ng parents mo. Honestly, I miss them too but I am too shy to face them,"

"Baby--I don't want to let you--"

"Hush! Please? Kahit anuman ang maririnig ko tatahimik po ako. Hindi ako magsasalita. Sige na, please? Hubby, sige na? Muah! Muah!" she wrapped her arms around Brielle's waist.

"Sigurado ka huh? Tatahimik ka lang. Huwag na huwag kang magsasalita kahit anuman ang maririnig mo sa Mommy ko!" paninigurado ni Brielle.

"Oo pangako! Halika na akyat na tayo!" hinila na nya ang kamay ni Brielle.

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now