Chapter 52: Searching the Document

152 2 1
                                    

"Kalmahin mo lang ang sarili mo, maraming paraan pa na pwedeng gawin. Ikaw ang nag-iisang kamag-anak at natitirang guardian ni Ivana. Since, hindi pa nya kayang gampanan ang malaking responsibility ikaw muna ang sumalo. Sakali man na manghimasok si Brielle Santillian pwede namang ilaban mo sa korte ang karapatan mo bilang guardian ni Ivana," Carol said.

"We are running out of time, I feel something might befall us if I can't find Reynold's testament. Saka dapat mapabalik natin si Ivana dito sa mansion nila dahil sya lang ang tanging pag-asa natin na makuha ang buong HUO Group,"

"Wala naman ata dito sa kwarto nya ang hinahanap natin. Kanina pa tayo naghahanap halos baliktarin na natin ang buong kwarto walang dokumentong naiwan. Konting gamit lang ng pamangkin mo ang nandito," humarap si Carol sa kanya at sinabi ang sariling obserbasyon.

"Dapat talaga bago ko tuluyang nilason si Reynold siniguro ko muna na nakapirma sya ng dokumento," biglang sambit ni Hendric.

"Nilason? Sinong nilason mo?" biglang tanong ni Carol ng unti-unting tumimo sa isip nya ang sinabi ni Hendric.

"I will tell you something but you should seal your mouth. I killed my brother, Reynold. I asked Doctor Jin to prescribe a medicine that will poison Reynold gradually. I committed a crime just to get where we are right now!" anito.

"Oh my god! Why did you do it? Aren't you afraid that someone will learn the truth and will tell your niece?" naguguluhan na tugon ni Carol.

"Alam mo naman ang totoo na half-brother ko lang si Reynold. Ni hindi ako halos bigyan ng pagkakataon noon na magkaroon ng sariling boses sa loob ng kompanya nya," Hendric said.

"Bakit mo rin kasi inubos lahat ng sarili mong pera noon? Pareho naman kayong binigyan ng father nyo," paninisi ni Carol.

"Huwag mo na nga akong sisihin dyan, dahil di ka rin naman tumutulong sa akin noon. Panay ka lang gastos at sugal,"

"Aba, alangan naman makikisawsaw ako sa mga plano mo. Wala naman akong alam sa pagnenegosyo,"

"Kaya nga itikom mo ang bibig mo dahil nasa alanganing sitwasyon tayo ngayon. Disiplinahin mo si Samantha at pilitin mong mag-aral dahil wala tayong maaasahang iba kapag bumalik si Ivana at tutulungan ni Santillian," angil ni Hendric.

"Patikumin mo ang bibig ni Doctor Jin dahil tiyak kapag kumanta iyon siguradong mawawalan tayo. Di ko pa naranasan ang mahirap na buhay, well off ang family ko sa Europe alam mo iyan. Ano nalang sasabihin ng parents ko against sayo kapag nalaman nilang naghihirap ka na?" paalala nito kay Hendric.

"Iyan lang ang inaalala mo ang sasabihin nila, pero ang sitwasyon natin sa pamamahay na ito di mo talaga inisip,"

"Ay naku, bahala ka basta hindi tayo pwedeng bumalik ng Europe at makiusap sa magulang ko dahil tiyak na magagalit ang mga iyon at malamang hindi tayo tatanggapin. Lumabas na tayo rito at mag- hapunan na, bukas na tayo ulit maghanap," tumayo na ito mula sa sofa at lumabas ng pintuan.

Naiwang mag-isa sa kwarto si Hendric na puno ng galit sa puso. Hindi nya alam kung ano ang pakay ni Brielle Santillian sa pakikipag-meeting nito ngayong darating na Sabado. He can't rely on Simon since the latter reminded him to settle the matter regarding Brielle Santillian's affair with Ivana. He had so many secrets hidden including the crime that his Mom done to Reynold's mother. Tandang-tanda pa nya ang araw mismo na napatay ng Mommy nya ang ina ng half-brother nya. Ayaw nyang balikan ang araw na iyon na sa mismong harapan nya nawalan ng hininga ang ina ni Reynold. They are lucky that no one was able to discover the truth. Ngunit ang pinagtaka lang nila biglang naglaho ang katawan ng Mommy ni Reynold. Binalewala ito ng ina nya at dinala sya nito sa pamamahay ng mga HUO makalipas ang ilang buwan.

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now