Hindi pa rin nya lubos na nakuha ang ari-arian ng kapatid nya dahil masyado itong matalino. Binawian na ng buhay si Reynold bago pa nya napapirmahan dito ang dokumentong pinagawa nya. He lied his niece by showing a fake testament ng matapos ang libing ni Reynold. Hanggang ngayon hinahanap pa rin nya ang nawawalang testamento ni Reynold.
"Kailangang makita ko ang testamentong iyon at mapalitan bago pa magkaroon ng lakas si Ivana. Reynold, dinala mo pa rin hanggang hukay ang lihim mo. Saan ko mahahanap ang mga legal documents mo! Shit! Tuso ka talaga kahit kelan!" He clenched his fist. Thinking how he could find the legal documents of Reynold's properties and assets makes him feel drained and exhausted.
Ilang beses na nyang hinalungkat ang buong opisina ni Reynold ngunit mga reports lamang ng company ang natagpuan nya, wala ang hinahanap nyang testament nito. Napilitan syang magbayad ng ilang tao para lang gayahin ang pirma ni Reynold at makapag-withdraw sya ng pera sa Swiss Bank account nito. Binalak nyang magtayo ng private golf club na may kasamang villas ngunit nangailangan ito ng malaking halaga kaya napilitan syang gumawa na naman ng panlilinlang. Pinagaya nya ang pirma ni Reynold para makakuha sya ng pera sa bank account nito sa Europe. Maswerte lamang sya nang nakalusot ang pekeng pirma dahil sa pinakita nyang death certificate ni Reynold.
Mahinang katok na narinig nya at pumasok si Carol.
"Hendric, anong nangyari sa anak natin? Bakit ang sama naman ng ginawa nila kay Samantha?" hagulhol nito.
"Manahimik ka muna, kasi hindi ko alam kong sino ang may pakana nito. Bakit kasi hindi mo binabantayan ang batang iyan, hinahayaan mong umalis at magliwaliw, tapos ako ang tatanungin mo?" singhal nya rito.
"Bakit ka nagagalit sa akin? Alam mo namang ayaw magpapigil ni Samantha sa akin, hindi nakikinig sa mga sinasabi ko," anito.
"Pabaya kang ina, pinalaki mo kasing spoiled si Samantha, ngayon magliligalig ka dahil sa sinapit nya? Magpasalamat nalang tayo at buhay pa sya, sugat lang ng latigo ang tinamo nya at hindi sya ginahasa," nanggagalaiti nyang tugon.
"Hindi makatarungan ang ginawa nila sa anak natin. At bakit ako ang sinisisi mo sa mga nangyari?" sigaw rin nito.
"At bakit di kita sisisihin? Kayo lang naman mag-ina ang laging naiiwan sa bahay. Wala na kayong ibang ginawa kundi gumastos sa mga kapritso ninyo sa buhay tapos may ganito pang kapalpakan?," nanlilisik ang mata nitong tugon sa asawa.
"Aba natural na gagastos kami dahil may pera naman tayo. Hindi ko nga pinupuna ang pambababae mo, baka akala mo hindi ko alam na may mistress ka at hindi rin ako tanga para hindi malaman ang mga kalokohan mo, kaya wala kang karapatan na sumbatan ako," sumbat nito sa kanya.
"Shit, kahit mambabae ako wala kang karapatan na magreklamo dahil hindi ka rin naging mabuting asawa, sugal lang inaatupag mo. Hindi mo ba alam ang perang ginagastos natin ay galing sa kompanya ni Reynold na hanggang ngayon hindi pa natin pag-aari,"biglang sabi nito ng walang pakundangan.
"Anong ibig mong sabihin? Diba binasa ng lawyer mo ang last testament ni Reynold?" nagtatakang tanong nito.
"Tanga, peke ang testament na iyon. May original na testament ng ginawa si Reynold bago pa sya namatay. Hindi ko alam kung saan nya itinago, kaya dapat bago ka maglustay ng pera tumulong kang maghanap. Halungkatin mo bukas ang mga gamit ni Ivana sa kwartong iniwan nya. Nagpadalus-dalos kayo ni Samantha na palayasin si Ivana ng umalis ako ng ilang araw. Hindi nyo man lang ako tinanong muna!" galit na tugon ni Hendric.
"Malay ko ba na gumawa ka pala ng kagaguhan para lang makuha ang kayamanan ng half brother mo. Sana sinabihan mo ako ng maaga at ng nakapagpigil kami," paninisi ni Carol kay Hendric.
"Hanapin nyo bukas ang sinabi kong testament. Ako na ang bahalang magpa-imbestiga sa nangyari kay Samantha. Makabubuti sigurong ipadala mo muna sa kamag-anak mo sa England si Samantha after nito para mailayo sya sa mga bad influence nyang kaibigan. Ni hindi pa nga sya nagtapos ng college at hindi mo rin pinilit na tapusin ang pag-aaral nya, anong klaseng ina ka?" gigil na tugon ni Hendric.

YOU ARE READING
LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESS
RomanceIvana Huo, a sole descendant of a big conglomerate which rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young...