"Sabi ko sayo hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo. Hindi pwedeng lagi ka na lang iiyak sa harapan ng ibang tao. Tears is a sign of weakness. Tandaan mo, kapag umiyak ka sa harapan ng ibang tao lalo mo silang binibigyan ng pagkakataon na saktan ka," tugon ni Brielle.
"Kahinaan ang tingin ng karamihan sa pag-iyak pero para sa isang taong may mabigat na pinapasang problema o alalahanin, ang pag-iyak ay paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Gumagaan ang pakiramdam kapag naibuhos mo nang lahat ng sama ng loob mo sa pamamagitan ng pag-iyak. Brielle, hindi kahinaan ang kahulugan ng pag-iyak kundi paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo sa panahong hindi mo kayang kontrolin ang problemang pinagdaanan mo," tugon ni Ivana habang pumapatak ang iilang butil ng luha sa mga mata nya.
Biglang nakaramdam si Brielle ng hindi maipaliwanag na guilt sa puso nya. He started to doubt his own decisions after seeing his wife in this messy situation. Ivana's eyes were full of tears and she's looking helpless. For Brielle, she's the same little Ivana who was helpless during the first they've encountered a few years back.
"Masyado lang emosyonal at transparent kayong mga babae sa inyong mga nararamdaman. Hindi porke't di ninyo nakikitang umiiyak ang mga lalaki ay hindi sila nasasaktan. Natural sa aming mga lalaki na hindi nagpapakita ng kahinaan sa harapan ng ibang tao. Ivana, learn to suppress your tears and do not cry in front of anybody else again. Kahit sa harapan ko man o sa ibang tao," He said seriously and looking straight in her eyes that filled with tears.
"Wala akong ibang magawa sa ngayon Brielle dahil nangangapa ako. Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa at paano ko haharapin ang susunod na bukas na hindi kita kasama. Pero pakiramdam ko kapag pinapakita ko ang kahinaan ko, nagagalit ka sa akin. Brielle, hindi ko hiniling sa iyo na maaawa ka sa akin, kundi ang suporta mo sa bawat hakbang na gagawin ko. Tinatanong kita kung ano ang mga plano mo pero ni ayaw mong banggitin sa akin, sa halip sinasabi mo sa akin na kailangan ko pang mag-develop ng skills bago mo ibabahagi sa akin ang mga plano mo,"
Bawat salitang binitawan ni Ivana ay unti-unting tumatak sa isip ni Brielle. Tila nahimasmasan sya mula sa malalim na pagtulog at ang bawat patak ng luha ni Ivana ay gusto nyang pawiin. Pinahid nya ang mga luha nito at niyakap itong muli.
"Sige sasabihin ko ng pahapyaw sayo ang mga plano ko para gumaan ang pakiramdam mo at hindi ka na magtatampo sa akin. Kung natatandaan mo, tinatanong ko sayo noon kung may binanggit ba ang Daddy mo bago sya pumanaw. Saka hindi ko nga alam paano mo naisip ang ganitong bagay na pikutin ako ng araw mismo ng company anniversary celebration namin. Hindi ko natanong maigi sayo papaano ka nakapasok sa kwarto ko noon. Hindi ko inasahan ang pagbalik mo sa buhay ko dahil noong araw ng libing ng tatay mo, nakita kitang umiiyak lang. Ang pagkakaalam ko kasi nag-aaral ka sa London at alam kong naging magkaibigan kayo ulit ng kapatid ko pero hindi ako kailanman nagtanong ng tungkol sayo dahil busy ang schedule ko. Nagtataka lang din ako sa biglaang pangyayari. Sa mga hakbang na ginawa mo. Sa pagpapaalis sayo ng Uncle mo sa sarili mong tahanan. Higit sa lahat naging palaisipan sa akin ang biglaang pagkamatay ng Daddy mo. Nakausap ko pa sya noon at hindi naman bakas sa kanya na meron syang dinaramdam dahil ang sigla pa nya ng nakipag-meeting sa akin at inalok ako ng shares sa HUO Group," mahabang paliwanag ni Brielle.
Hindi alam ni Ivana ang isasagot kay Brielle lalo na sa planong pagpikot dito dahil hindi nya pwedeng ipahamak si Denise. Bigla syang napa-isip kung ano ang dapat na sabihin rito.
"Ah, nagtanong ako kay Uncle Hendric sinu-sino ang mga shareholders ng HUO Group. Binanggit nya ang pangalan mo. Sabi nya, so far, ikaw ang may pinakamalaking shares among the shareholders. At tungkol sa pagkakasakit ni Dad, hindi ko rin alam paano nangyari sa kanya ang ganon, ako rin ay nabigla ng tumawag na lang sa akin si Uncle Hendric na kailangan kung bumalik ng Beijing dahil nasa critical situation si Daddy. Nang madatnan ko sya sa hospital ilang saglit lang kami nagkausap at sinabi nya lang sa akin umalis ako agad ng Beijing at huwag ng bumalik. Hindi ko na naitanong sa kanya ang dahilan dahil nalagutan na sya ng hininga," malungkot na tugon nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/201267845-288-k165321.jpg)
YOU ARE READING
LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESS
RomanceIvana Huo, a sole descendant of a big conglomerate which rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young...