Chapter 48: He can't let her Go

191 3 2
                                    

Lumipas ang ilang sandali at hindi umimik si Brielle. Nabigla sya sa naging reaksyon nya at nasaktan nya ulit si Ivana. Dala ng labis na selos at galit, muli na namang humulagpos ang damdamin nya. Tumayo si Ivana at hindi sya tiningnan, naglakad sya patungo sa banyo at doon ibuhos lahat ng sama ng loob nya hanggang sa mapagod sya. Hinayaan lamang sya ni Brielle sa loob ng banyo dahil nagi-guilty ito sa muling pananakit kay Ivana. Nagkalat pa sa sahig ang ilang damit na kinuha ni Ivana kanina mula sa closet. Samot-saring alalahanin ang pumasok sa isipan ni Brielle ng mga sandaling ito. Hindi nya alam papaano humingi ng sorry kay Ivana.

Takot syang mawala ito ng tuluyan. Ilang taon syang nagdusa noon ng bigla itong umalis, ngayong naging mag-asawa sila hindi nya alam bakit nahihirapan syang magtiwala rito. Pakiramdam nya hindi sapat ang paghingi nito ng sorry sa pag-alis ng walang paalam.

He wanted to reiterate against her. Walang kamalay-malay si Ivana sa mga plano nya, ngunit sa ilang araw na magkasama sila nito unti-unting nabago ang pananaw nya rito. Ayaw man nyang aminin sa sarili, batid nyang muling pinunan ni Ivana ang puwang sa puso na matagal nyang kinikimkim mula pa noong bigla itong nawala. Hindi nya napigil ang sarili na huwag itong saktan dahil alam nyang may interest si Simon sa asawa nya. Nagkataon na nagpang-abot sila at ang buong akala nya nakipaglandian si Ivana rito. Ayaw tanggapin ng isipan nya ang bawat paliwanag ni Ivana.

Halos isang oras mahigit si Ivana sa loob ng banyo. Nang humupa na ang sama ng loob na nararamdaman , lumapit sya sa lababo at naghilamos. Bakas sa pisngi nya ang mga pasa. Hindi na nya kilala si Brielle, gusto nyang lumayo muna pansamantala para makapag-isip sya.

Paglabas ng banyo nadatnan nyang nakatayo sa gilid ng bintana si Brielle at nakatingin sa malayo. Tahimik nyang dinampot ang mga damit nya at isinilid sa maleta. Lumingon sa gawi nya si Brielle ng maramdaman nito ang galaw nya sa loob ng kwarto.

Bakas sa mukha ni Ivana ang lungkot at namamaga ang mata nito ng lumingon si Brielle sa kanya.

"If you insist to leave this house, I will surely use my force to imprison you here!" pumailanlang ang boses ni Brielle na saglit na nagpahinto kay Ivana.

Hindi pa rin sya tumingin dito ng sumagot sya, "Masaya ka ba na nakikita akong nahihirapan? Kung naghihiganti ka sa akin dahil sa inakala mong relasyon ko kay Simon, maling-mali ka. Binigay ko ng buong-buo ang sarili ko sayo, sinabi ko ang tunay kong nararamdaman sayo pero inisip mo pa rin lumandi ako sa ibang tao? Paranoid ka masyado, dahil alam na alam mo sa sarili mo na hindi ako masamang babae. Nirespeto kita bilang asawa, minahal at handa akong makinig sa bawat sasabihin mo. Brielle kulang pa ba? Kulang pa ba ang pagmamahal na binigay ko para hindi mo ako pagkatiwalaan?" muli na namang naglandas ang masaganang luha sa mga mata.

"Yes! It wasn't enough Ivana! You come back into my life on purpose. And you want me to trust you? You want me to believe you love me? I may sound paranoid but it's you who made me become like this?" mariing tugon ni Brielle habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko na alam kung anong paliwanag ang gagawin ko Brielle. Bigyan mo muna ako ng space para huminga, gusto kong mapag-isa. Uuwi muna ako sa condominium ko! Please?" pakiusap nya rito.

"No! I won't allow you to leave this house. You are my wife. You have an obligation to fulfill, Ivana," tugon ni Brielle at tiningnan nito ang patuloy nyang pagliligpit.

Hindi na umimik si Ivana dahil ng mga sandaling ito determinado syang bumalik muna sa condo nya. Gusto nyang palipasin ang galit nito. Alam nyang hindi na sila babalik sa dating samahan. May lamat na ang relasyon nila bilang mag-asawa the moment Brielle abused her physically.

Nakita ni Brielle na tuloy pa rin sya sa ginagawa nya, kaya lumapit ito sa kanya. Lumambot biglang ang puso nito ng makita ang mga pasa sa mukha nya. He grabbed Ivana's waist closer to him and hugged her tightly.

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now