Chapter 53: An Important Information

128 2 0
                                    

"Okay sir Brent, kung wala ka nang kailangan uuwi na po ako. Medyo gabi na rin may dadaanan pa akong importante,"

"Okay, but don't forget to inform our agent to find an exact information about Reynold's death. Mas maaga mas maganda. Malapit na ang birthday ni Brielle. Sana bago dumating ang araw na iyon makuha na natin ang result," tugon ni Brent na may halong pag-aalala sa boses nito.

"Noted boss!" tumalikod na si Ryan at lumabas sa office nya.

Huminto si Brent sa ginagawa nya at nag-iisip ng malalim. Pakiramdam nya ng mga sandaling ito puno ng alalahanin ang kanyang isipan. He opened his laptop and called his best friend Erick through skype.

Bumungad ang mukha ni Erick. "Hi! Brent, dude kumusta?"

"Dude, sorry huh?! Busy talaga ako lately sa dami ng ginagawa ko daily. Meron kasi kaming malaking project lately kaya di ako nakakapangumusta sa inyo,"

"Hi Brent! Kumusta?" sumingit si Aya na kapapasok lang sa kwarto nila ni Erick.

"Aya! I'm doing fine! Kayo ang kumusta na?"

"Okay lang kami. Alam namin na busy ka kaya di kami nang-istorbo sa inyo? Where's Shantal?" tanong ni Aya sa kanya.

"Nagpapahinga sa kabilang kwarto. Tiyak tulog iyon kasi pagod daw sya. Naiinip marahil sa kakahintay sa akin!" tugon ni Brent.

"I see. Ikumusta mo nalang ako sa kanya. Bababa lang ako, mag-usap muna kayo ni Erick. Honey, maiwan ko muna ikaw, titingnan ko lang sa baba kung ready na ang dinner natin," mabilis na paalam ni Aya kay Erick.

"Okay, hon! Susunod na ako after namin mag-usap ni Brent," Erick said.

"Erick may binanggit si Ryan sa akin regarding sa nasagap mong information about Celso Chan," Brent asked.

"Yeah! Kaya nga gusto kitang dalawin dyan sa Singapore para paalalahanan ka. Alam mo bang may tumutulong kay Celso para bababa ang hatol nya," anito.

"Multiple murder at illegal activities ang case nya Erick kaya malabong bababa ang sintensya nya. Alam mo naman iyon diba?"

"Brent, ang batas ay pwedeng baguhin lalo na kapag may pera ang kalaban. Kaya kita sinabihan ngayon pa lang para aware ka. Proteksyon at seguridad ng pamilya mo ang nakasalalay dito," nag-aalalang tugon ni Erick.

"Hindi naman ako natatakot sa taong iyon. Kaya ko syang harapin at tapatan, dude!"

"Andon na tayo Brent pero target ng taong tumulong kay Celso ang mga anak mo. Lalong-lalo na si Brielle na kilala sa business world. Dude, alalahanin mo notorious na gangsters sa underground world ang back-up ni Celso Chan,"

Brent frown and asks, " Sino ba ang taong tumutulong kay Celso Chan?"

"Ang pagkakaalam ko pamangkin ng wife nya, Simon Yun! Brent, remind your son to be careful. Mas maigi na ang handa sya sa anumang posibleng galaw ng kalaban. At katulad ng sinabi ko sayo kapakanan at seguridad ng pamilya mo ang nakataya rito,"

"Akala ko tahimik na kami, dude kasi ilang taon na rin nakakulong ang taong iyon," nababahalang tugon ni Brent.

"Kaya nga ngayon pa lang pinapaalalahanan na kita. Sakali mang kailangan mo ulit ng tulong ko wag kang mag-atubiling tumawag sa akin. Saka keep an eye with your wife and children. Better siguro pauwiin mo muna ng Singapore si Brielle," anito.

Hininaan ni Brent ang boses, "Dude, hindi ko pwedeng pabalikin si Brielle dito sa Singapore dahil may malaking responsibility sya sa office namin sa Beijing and besides he got married a few weeks ago!"

"Got married? To whom? Bakit di ninyo kami inimbitahan?" tanong nito.

"Hush! Ilang araw ko pa lang nalaman ang status nya. Sumasakit ang ulo ko dahil ang pinili nya ay si Ivana Huo!"

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now