Chapter 42: Finding Ivana

209 4 3
                                    

Napapailing si Harold ng matapos ang tawag ni Brielle. Alam nyang demanding at mainitin ang ulo nito. Naaawa sya kay Ivana dahil alam nyang ginagamit lamang ito ni Brielle para sa pansariling kapakanan.

"Ano na naman kayang pinag-awayan ng dalawang iyon.Gabing-gabi na nadadamay pa ako sa init ng ulo nitong sira ulo kong boss. Pag nga naman minalas ka at nagkaroon ka ng ganitong klaseng boss, di ka lang malaki magpasahod iniwanan na kita eh!" nanggigil na bulong ni Harold sa sarili.

Mabilis nyang tinawagan ang head ng research team nila. "Timmy, gising ka pa ba?" bungad nya rito.

"Sir Harold, nakahiga na po ako. Bakit?"

"Paki-track down mo nga ang location ni Miss Ivana Huo, asap iyan. Naghihintay si Sir Brielle!"

"Huh? Diba 3 hours ago binigay na natin sa kanya ang location ni Miss Huo. Bakit ngayon hahanapin na naman natin?" naguguluhang tanong nito.

"Basta sundin mo nalang, asap! Alam mo namang may pagka sira ulo ang boss natin. Hintayin ko ang feedback mo!"

"Saglit lang po bubuksan ko ang laptop ko. Ano ba ito madaling araw na, binulabog nyo pa talaga ako," angil nito at bumangon na sa higaan sabay kuha ng laptop.

"Gawin mo na lang, baka tumawag na naman iyon malilintikan tayo pareho. Mainit ang ulo non!"

"Bakit ba kasi kapag nag-aaway silang mag-asawa ang daming nadadamay?" he is navigating the tracker signal on his laptop, trying to locate Ivana's location.

"Huwag ako ang tanungin mo, doon ka magreklamo sa boss natin. Bilisan mo na ten minutes lang binigay noon na tack time sa atin!"

"Di ko mahanap location ni Miss Huo, yung last na location nya was in Guangzhou Road. Naka-off ang phone ni Miss Huo kaya di ako sya ma-locate," tugon nya kay Harold.

"Subukan mo pa ulit baka makasagap ka ng signal doon sa cellphone nya,"

"Malabo iyan kasi kapag naka-off ang cellphone ni Miss Huo walang signal na mahahagip. Sabihin mo na lang kay Sir Brielle di ko mahanap ang location ng wife nya,"

"Okay, pasensya na sa abala. Rest well!"

Agad na tinawagan ulit ni Harold si Brielle.

"Sir Brielle!" bungad nya rito at nag-aalangan syang sabihin dito na hindi mahanap si Ivana.

"What?! Nasaan na ang inutos ko sayo?" His cold voice heard over the phone.

"Sir Brielle, sabi ni Timmy di raw nya mahanap ang location ni Miss Huo. Naka-off po raw ang cellphone kaya wala syang masagap na signal,"

"Shit! Kanina pa hindi umuwi ang babaeng iyon. Ginagalit talaga ako!"

"Kalma lang po kayo, hanapin na lang natin si Miss Huo. Pupuntahan po kita dyan sa bahay mo!" tugon ni Harold.

"Huwag na, ako na ang maghahanap sa kanya. Magpahinga ka na, maaga ka pa papasok sa opisina bukas!"

"Okay, po! Ang last location ni Miss Huo 3 hours ago was in Guangzhou Road! Maybe you can check if she's still there!"

"Just rest, ako na ang bahalang maghanap kay Ivana! Thanks!"

Pinutol na ni Brielle ang tawag. He grabbed his car keys and go straight to his car. Pinaharurot ng takbo ang kotse nya papunta sa condominium ni Ivana sa pag-aakala nyang nagrebelde ito laban sa kanya at doon umuwi.

Ilang saglit lang nasa harapan na sya ng pintuan ng unit ni Ivana. Sunud-sunod na katok ang ginawa nya.

"Ivana! Ivana! Open the door!" may halong galit na kalakip sa boses nya habang kumakatok. Hinintay nyang bumukas ang pinto ngunit walang sumagot mula sa loob.

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now