"Era, apo, bakit hindi ka pa nagpapalit? Anong oras na?"
Itinigil ko ang pagbabasa at nag-angat ng tingin upang makita si Lola na nakatayo sa tabi ng malaking aparador. Ngumuso ako at ibinagsak ang tingin sa libro.
"Kailangan ba talaga nating pumunta, Lola? Wala pa po si Papa."
"Hay naku, Era. Wala ka na bang balak buong summer kundi basahin iyang makakapal mong libro? Benjamin is expecting me there." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
I sighed and closed my book. As much as I want to read more, I don't want to let Lola go alone to that homecoming party. Nasa trabaho pa si Papa kaya naman walang maghahatid sa amin. Lalong kailangan kong samahan si Lola.
"Magtatagal ba tayo ro'n, Lola?" Tumayo na ako.
"Era, ikaw talagang bata ka! You should at least socialize there!" Umiling siya.
Ngumuso ako at binuhat ang libro. Inayos ko itong sa bookshelves at lumapit kay Lola upang alalayan siyang umupo. I put her cane beside the sofa and stood beside her.
"Maliligo lang po ako. Susunduin po ba tayo ni Papa?" I asked.
"Hindi ko alam at nasabihan ko naman siya kaninang umaga na may pagtitipon doon kina Benjamin. We'll call him later even your mother." She replied and focused her eyes on the television.
Umakyat na ako sa aking kwarto upang maligo. Isang kulay rosas na bestido ang pinili kong isuot. I put on my stringed sandals. Pumunta ako sa harap ng malaking salamin upang tingnan ang kabuuan ko. Pinasadahan ko ng kamay ang alon sa aking buhok. My hair is naturally wavy, starting from the middle to the end.
I put on very little makeup to cover my pale skin. I have porcelain skin, and it makes me look pale most of the time. Satisfied at how I look, I took my sling bag and went out of my room.
"Kung wala pa kami at narito na si Arturo, sabihin mong na kila Benjamin kami. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay." Bilin ni Lola kay Manang Nona.
Bumaling silang dalawa sa akin nang makalapit ako. Ngumiti si Manang Nona. I smiled back and glanced at my grandmother who is watching me closely.
"Tingnan mo? That kind of beauty should be showcased outside! Hindi iyong nagkululong ka rito sa bahay!" Ani Lola.
I frowned at Lola. She shook her head and stood up.
"Tama nga naman si Lola mo, Era." Segunda ni Manang Nona.
"I need to do advance reading, Lola." Sabi ko na lamang.
"Not to the point you're going to waste your whole summer on that. Oh, siya, Nona, aalis na kami. Ikaw na muna ang bahala rito." Lola said and looked at me.
Nagpaalam ako kay Manang Nona at umalalay kay Lola. Hawak ko ang siko niya habang palabas kami ng bahay. Binuksan ko ang gate at agad na pinara ang traysikel na paparating.
"Sa mansyon ng mga Rosales." Si Lola ang nagsalita.
Habang nasa biyahe kami papunta roon ay panay ang kuwento ni Lola. I've heard her stories multiple times kaya naman ay panay tango na lamang ako dahil alam ko naman na ang susunod sa mga kuwento niya.
"It's a shame that Grace is not here anymore. Ilang taon na ang lumipas noong mawala siya pero hanggang ngayon ay namimiss ko pa rin siya."
Biglang suminghot si Lola kaya nilingon ko siya. Sa ilalim ng kaniyang salamin ay namumula ang mga mata niya. I smiled and massaged her back.
"Lola Grace is in her comfort place now, Lola. I'm sure that she's happy wherever she is." Alo ko.
"Alam ko iyon pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kung sana lamang ay nagtagal pa siya."