Chapter 11
Isang linggo na lang bago ang finals kaya naman ay todo ang pagrereview ko. Hindi natatapos ang requirements kaya naman minsan ay hindi na ako nakakapag-advance review sa mga lessons na hindi pa naituturo.
Sumulyap ako sa open field kung saan may mga Junior High na naglalaro sa court hindi kalayuan sa learning hall kung nasaan ako. Tirik na tirik ang araw kaya mainit ang panahon kahit Disyembre na. Ibinagsak ko ang tingin sa iginuguhit, halata ang mga erasures at kahit na mag-isang oras ko na iyong ginagawa ay hindi pa rin natatapos. Wala pa ako sa kalahati.
If there is one thing I can't do, that is drawing. I hate drawing ever since but then drawing loves me. We have this Art related subject and we are required to draw something that will fall under the Futurism type of art. Naka-tatlong bond paper na ako pero wala pa rin.
Marahas akong bumuntong hininga at itinigil muna ang ginagawa para tingnan ang cellphone ko. Sabay kaming magla-lunch ngayon ni Olzen, kasama namin si James at Kruise. Ngayon pormal na ipapakilala ni Kruise ang boyfriend niya sa Kuya niya. I don't know what's up with Olzen but that is what he wants according to Kruise.
I'm waiting for Olzen, I still have two hours before my next subject. Hindi rin nagtagal ay dumating siya kasama ang mga kaibigan niya. Ngumiti ang mga ito sa akin, tumango lang ako. Idinikit ni Olzen ang upuan niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa ginawa niya.
He smirked and looked away. Inayos niya ang buhok niya pagkatapos ay binuksan ang dalawang butones ng kaniyang uniform.
"Ang init," he said.
I offered him my tumbler. "Stay hydrated."
"Alright." Aniya at tinanggap iyon.
Habang umiinom siya ay bumaling siya sa bond paper na hindi ko pa naliligpit. Uminit ang pisngi ko at akmang kukunin ko iyon nang hinawakan niya ito at tumingin sa akin.
"What's this?" Inosente niyang tanong.
Kumalat ang init sa aking mukha. Paano ko iyon sasagutin kung kahit ako'y hindi maipaliwanag kung ano iyong na-iguhit ko?
"Tss..." Umirap ako.
Slowly, he smiled. He knows my dilemma and I can't help to think that he's fooling around.
"What are you trying to draw? I'll do it." He offered.
Umiling ako. "It's fine. Gagawin ko na lang sa bahay."
"Come on. I'll do it so you can review instead when you're home."
Sinulyapan ko siya. Seryoso siya at naghihintay ng sagot ko. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sariling sumang-ayon na para matapos na ang malaking problema ko. Ipinakita ko sa kaniya ang cellphone dahil naro'n ang tinutularan ko.
Hinayaan ko siyang gawin iyon habang binabasa ko ang susunod na lesson namin mamaya. Hindi ko mapigilang sumulyap kay Olzen na seryosong nagdo-drawing sa tabi ko. My lips parted at how easy for him to copy the image. Hindi pa siya nagbubura! Ngumuso ako at tinitigan ang mukha niya, lalo na ang kaniyang mahahabang pilik mata.
"Required rin ba sa Engineering na magaling ka dapat mag-drawing?" I asked while watching him.
"Hmmm?"
Hindi siya tumingin sa akin. He remained concentrated. I smiled a bit and stopped reading to watch him draw. He looks too serious and his brows are furrowed. Mukha siyang masungit, iyon din ang kumento ng iba sa kaniya. But he looks more playful than surly for me.
"I'm done..." he said and put down my pencil.
My lips parted when I saw the finish product. He did it for ten minutes! While I'm struggling to start it for an hour. How unfair! Hindi maalis ang tingin ko sa drawing niya.