Chapter 42

8.7K 222 60
                                    

Chapter 42

"Good morning. Si Chester?" Ngumiti ako kay Meana nang madatnan siya sa dining area.

I thought she would grimace or frown because of my question, instead she just shrugged her shoulders. She's busy mixing the cereals with milk.

"I'm not his mom, Era." She rolled her eyes.

Kinagat ko ang labi at mahinang tumawa. Akala ko pa naman ay medyo umayos na ang disposisyon niya pagdating kay Chester. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan. May proper meal na nakahanda doon. Pinatong ko ang cellphone sa lamesa at kumuha ng plato.

Abala ako sa paglalagay ng pagkain sa aking plato nang tumunog ang cellphone ko. Kinagat ko ang labi nang makitang si Olzen 'yong nag-text. Sumulyap ako kay Meana na abala pa rin sa paghahalo ng kakainin niya.

I picked up my phone and check my boyfriend's message. Boyfriend. My gosh, why am I hyperventilating just by thinking about it? Hindi na ako teenager!

But come to think about it, he is my first boyfriend! In my twenty six years of existence, he is my very first boyfriend!

"Anong nginingiti mo r'yan? Share mo naman."

Napa-angat ako ng tingin at nasalo ang maarteng tingin sa akin ng pinsan ko. Nakataas ang kilay niya at may nagbabadyang ngiti sa labi.

"Nothing," I smiled.

Binalik ko ang atensyon sa aking cellphone para sagutin ang message ni Olzen.

Olzen:

Morning, girlfriend. I'm in Taguig already.

I nibbled my lip to prevent a smile. Girlfriend, really? What are we, teenagers? Ugh! This brute really.

"I can smell your smile, Era. Ano ba 'yan?"

Ako:

Morning, ingat sa byahe. I'm having breakfast.

I sent it first before looking at Meana. I puffed a breath because I know I have to tell her about it. Kinunotan niya ako ng noo nang makita niya ang paghugot ko ng malalim na hininga.

"Meana... may sasabihin ako." Marahan kong sinabi.

"Ano? Baka mamaya atakihin ako d'yan, ah." She warned.

Umiling ako at ngumuso. I wonder how she'll react after she founds out.

"Are you fucking kidding me?"

Pumikit ako ng mariin nang halos madura ni Meana ang cereals sa bunganga niya. Kaagad akong nagsalin ng tubig sa baso at inilapag sa harap niya. She tapped her chest multiples times before she drank the water.

Pagkatapos maka-recover sa mga sinabi ko ay masama na ang tingin niya sa akin. Halatang gulat na gulat at hindi makapaniwala. I feel a bit guilty so I smiled apologetically at her.

"So both of you... were in Cagayan the whole time?" Tinuro niya ako.

"Yes... and uh... actually, I was with him yesterday too. Sorry, hindi ko agad sinabi sayo." I nibbled my lower lip.

"Marupok ka!" Paratang niya sa akin.

Sumimangot ako sa sinabi niya. Tumawa siya at umiling iling. Ang dami dami niyang sinabi at tinanong. Ang sabi pa niya'y baka nagi-ilusyon lang ako kaya kailangan ko pang ipakita 'yong conversation namin ni Olzen.

"Wow... I can't believe this. I mean, nine years, Era... sabi ko nga, santo lang ang kayang maghintay ng gano'n. So that's really not his girlfriend?" She asked, pertaining to Laurice.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now