Chapter 33

7K 229 33
                                    

Chapter 33

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong tulala habang naka-upo sa malapad na kama.

I stopped crying a while ago but my heart is still throbbing. I can't believe that I had a heated argument with Olzen. Unang araw pa lang at parang hindi na namin kayang magtagal nang hindi nag-aaway.

I feel a bit guilty because I know I am at fault too. Sa kanila ako pansamantalang tumitira at tama nga naman na may karapatan siyang malaman, pero ayaw sumang-ayon ng isang parte ng aking sarili. Not because I am staying in his place doesn't mean he needs to know everything! And I don't understand his penetrating anger.

His last words are making me shiver. He let me leave if I want to. I don't know why it made my heart ache. Era, shouldn't you be more concerned of facing him after what you said?

Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang mga gamit ko. I declared that I will just resort to a hotel but I feel like I don't have the strength to do it. Iniisip ko na baka magtanong si Tito Beltran sa mayodorma tungkol sa akin. What would he think if he found out that I left? At baka sabihin niya rin kay Mama. Anong sasabihin ko sa kanila?

Hinilot ko ang aking sentido at mabigat ang loob na nagtungo sa banyo para maligo. Pasado alas diyes na nang matapos akong maglinis ng sarili at handa na ring matulog. I had a hard time drifting to sleep because I have so many things in mind.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Alas syete ay mulat na mulat na ako. Naghilamos ako at nagpalit ng damit bago lumabas ng kwarto. Kakaiba ang pintig ng aking puso habang naglalakad. Paano kung makasalubong ko si Olzen? What would I say?

Nang madaanan ko ang pintuan ng kaniyang kwarto ay napalunok ako. I quickly tore my eyes and continued walking. I should just act like nothing is wrong right? But, is he really expecting me to leave?

Sa sala pa lamang ay nakita ko na agad si Manang Betty na inaayos ang mga gamit sa glass table na kaharap ng malaking sofa. Nag-angat ito ng tingin nang mapansin ako. Nag-iinit ang aking mukha nang maalala ang away namin ni Olzen. Pakiramdam ko narinig nila o kaya'y may alam sila.

"Magandang umaga po..." nag-aalangan pa akong ngumiti.

The old woman smiled and walked towards me. I crossed my arms on my back and hovered my eyes on the vast living room. She's the only one there.

"Magandang umaga rin, Ma'am. Mabuti naman po at nakauwi kayo ng matiwasay kagabi." She said.

Sumingap ako sa sinabi niya. I forced a smiled and nodded.

"Pasensya na po kung late akong nakauwi, Manang. Hindi ko na po namalayan ang oras habang namamasyal."

Tumango siya. "Wala namang problema, Ma'am. Si Sir Olzen po ang labis na nag-alala. Pabalik balik po siya rito para tingnan kung nakauwi ka na. Hinanap ka yata..."

Tumigil siya sa pagsasalita na parang may napagtanto. Yumuko ito at tipid na ngumiti. Ako naman ay natigilan sa sinabi niya. He... did that?

"Gusto niyo na po bang kumain, Ma'am? Ipaghahanda ko na po kayo." Anito at tinalikuran ako.

Sinundan ko siya ng tingin. Kinagat ko ang labi at humugot ng malalim na hininga. Sumilip ako sa labas ng mansyon at laking gulat ko nang makitang wala ro'n ang sasakyan ni Olzen? Did he leave? Saan? Umuwi siya ng Manila? O bumisita sa lupain nila?

"Ma'am, handa na po ang agahan niyo."

Napalingon ako kay Manang Betty na naghihintay sa akin sa may pasilyo. I sighed and sauntered towards the dining area. I can't stop thinking about Olzen's car. Nang makitang wala akong kasama sa dining area ay sinulyapan ko si Manang Betty na nakatingin sa akin.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now