Chapter 22
How are you suppose to continue living when all hope seems to be lost?
Suminghap ako, hindi kayang pigilan ang pagtulo ng luha habang pinagmamasdan ang naka-ukit na pangalan sa puntod na nasa aking paanan.
Ethel H. Valle
1941-2015
You are loved beyond words
And missed beyond measure
Iyon ang mensaheng nakasulat sa ibabaw ng kaniyang mauseleo. Niyakap ko ang tuhod at nilapit ang palumpon ng bulaklak sa gilid ng puntod.
Almost a week has passed after we buried her at this memorial park. And I can't still make myself believe that my grandmother and a second mother to me is gone... taken already by the heavens.
"Lola... miss na miss na kita. D-dinalhan po kita ng paborito mong bulaklak." Pumiyok ang boses ko.
Ibinaon ko ang mukha sa aking tuhod para itago ang pag-iyak. Natalo na ng dilim ang liwanag at kakaunti ang tao sa paligid, ang iba'y malayo pa sa akin. Ang tanging nagbibigay na lamang ng liwanag sa malawak na sementeryo ay ang mga nagkalat na poste ng ilaw at ang buwan sa langit.
My mother came immediately when my father told her the news. Ikatlong araw ng pagkawala ni Lola ay dumating siya. At kagaya ko na nawalan ng Lola, lubos ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ng ina. Hindi ko kayang maging lubusang masaya sa pag-uwi niya, pero nagpapasalamat pa rin ako na nariyan na siya.
A lot of relatives came but only few stayed beside Lola all night until we needed to inter her. Si Lolo Benjamin, ako at si Mama.
Tumingala ako sa kalangitan. Mapait akong ngumiti nang masilayan ang nangniningning na mga bituin at ang matingkad na buwan.
Bakit ang daya ng langit? Paano niya nagagawang maging maganda sa mga panahong may nagdurusa sa lupa?
"I miss you... Lola."
My heart is breaking into bits. I know that she'd been suffering from diabetes since then but her medications are continuous and so I believed she'll last longer. She still looks strong even with all of her lying ailments. I never thought that she'd be taken away so unexpectedly.
Kahit anong pigil ko sa mga luha ay patuloy ito sa bayolenteng pagbuhos. Para bang hindi pa sapat ang pag-iyak ko sa mga nakaraang araw. Nang makaramdam ako ng presensya sa aking tabi ay alam ko na agad kung sino iyon.
Lumuhod si Olzen sa aking tabi at nilapag ang palumpon ng white lilies kagaya ng dala ko rin. Huminga siya ng malalim at nilingon ako. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga kamay at doon umiyak. Hindi na bago ang makita niya ako sa ganitong estado.
Simula nang nilibing si Lola ay palagi na ako rito mula tanghali hanggang gabi. Dalawang linggo na akong hindi pumapasok mula nang mawala si Lola. At siya palagi ang nakakahanap sa akin. Alam niya kung nasaan ako kapag wala ako sa bahay. Dito siya dumidiretso pagkatapos ng klase niya dahil alam niyang narito ako at umiiyak.
Nang maramdaman ko ang pagbalot ng mga bisig niya sa akin ay mas lalo akong napahagulhol. Bumaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
"Tahan na..."
Nanghihina akong kumapit sa kaniyang damit, walang preno sa pag-iyak. Alam kong kailangan kong tanggapin ang pagkawala ni Lola pero kailangan ko rin ng mahabang panahon.
Paano ko kakakalimutan kaagad ang taong simula pagkabata ko ay nariyan na para sa akin? Ang isa sa mga bumuo sa pagkatao ko? Umako sa posisyon na iniwan ni Mama? Paano ko lilimutin kaagad ang pagkawala ng taong naging parte ko na?
"A-ang sakit pa r-rin." My voice broke even more.
The way he wrapped his arms around me tightened. He continued rubbing my back, trying to calm me down like he always do. He won't let me go until I calm down.
"Tahan na... narito na ako." Suyo niya at hinaplos ang buhok ko.
Pumikit ako ng mariin at walang lakas na sumandal ng buo sa kaniya. Hindi ko alam... hindi ko alam kung paano makakaraos sa lungkot kung wala siyang nagpapatahan sa akin.
Tahimik kaming lumabas ng sasakyan. Wala na akong lakas para magsalita pa. Naglakad kami papasok sa bahay, pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Magandang gabi po, Tita."
Napatayo si Mama mula sa pagkaka-upo sa sofa. Tiningnan niya si Olzen bago ako. Suminghap ako nang makita ang naluluhang mga mata ni Mama. Tumango siya kay Olzen. Nasanay na siyang palagi akong hinahatid ni Olzen pauwi dahil alam niya rin kung saan ako galing.
"Salamat Olzen. Kumain ka na muna bago ka umalis." Aniya.
"Hindi na po, Tita. May kailangan rin po akong gawin. Hinatid ko lamang po si Era," tipid na ngumiti si Olzen.
Tumango si Mama at sinulyapan ako. Umiwas ako ng tingin at humarap kay Olzen na naghihintay ng sasabihin ko.
"T-thank you..." is all I could utter.
He smiled warmly at me and took a deep breath. Hindi maka-pokus ang mata niya sa mukha ko. Kitang kita ko ang pagpipigil at sakit sa kaniyang mga mata.
"I'm going. I'll call you later. Don't cry too much, hmmm?" Hinaplos niya ang aking pisngi.
Doon pa lamang ay nagtubig na ang aking mga mata. Tumango ako at umiwas ng tingin. Nang makaalis siya ay pumihit ako para harapin si Mama. Pinapanood niya ako. Lumapit ako para magmano pagkatapos ay tinalikuran ko na rin siya para maka-akyat sa aking kwarto.
"Hindi ka na naman ba kakain?"
Natigilan ako sa tanong niya. I swallowed and shook my head silently. Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.
"When are you going to stop acting like this, Elais? Palagi kang wala sa bahay. Kung hindi ko lang alam kung saan ka pumupunta, hindi ko na alam ang gagawin ko. At kung hindi ka pa susunduin ni Olzen, hindi ka na siguro uuwi."
My heart tugged when I sensed the pain in my mother's voice. I closed my eyes tightly and tried so hard to pull my tears back.
"S-sorry, Ma..."
Suminghap si Mama. "I am also grieving here, Elais. And you acting like this is not helping. I am asking you to cooperate, please naman, anak."
Kinagat ko ang aking labi at humugot ng malalim na hininga. Simula nang dumating si Mama ay wala pa kaming maayos na usap. Hindi nila ako maka-usap ni Papa dahil palagi akong nagkukulong sa kwarto at nasa memorial park palagi.