Chapter 20
Puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na foundation ng unibersidad. Wala akong sinalihan na sports comepition dahil hindi naman ako mahilig doon. Maliban sa debate ay sumali rin ako sa festival of lights kung saan by depertment ang labanan. Sa tuwing bakante ang oras ay gumagawa kami ng props at nagpapraktis ng cheer.
Maliban doon, ang prelims ay pagkatapos na ng foundation kaya naman ay gabi-gabi na rin akong nagbabasa. Panay din ang ensayo nina Olzen sa basketaball kaya naman hindi kami masyadong nagkikita lalo't minsan ay ginagabi sila sa praktis. Minsan ay lumiliban siya para lang maihatid ako kahit sinabi kong hindi na 'yon kailangan, but Olzen won't be Olzen when he's not stubborn at times.
"Nakakainis! Gusto ko talagang sumali sa badminton pero kasi wala kaming masyadong oras para magpraktis, kung mayro'n man ay ginagamit naman sa pagre-review para sa mga quiz na hindi natatapos!" Pagmamaktol ni Kruise.
Natatawa ko siyang tiningnan. Next week na ang foundation at buong linggo iyon dahil maraming activities. Kasalukuyan kaming gumagawa ng props kasama ang mga kasama ko sa FOL at ibang volunteer na walang sinalihan.
"Ang seryoso niyo masyado sa Health and Allied Sciences, ah." Puna ng isa sa mga kasamahan ko.
Ngumiwi si Kruise at tumango-tango.
"Kaya nga madalas silang panghuli dahil tutok masyado sa academics. Walang oras para sa ganito." Tumawa 'yong department leader namin na nagsu-supervise sa mga ginagawang props.
"Nakakainis!" Si Kruise na hindi matanggal ang simangot.
She'd been joining badminton competitions ever since our Senior High, ngayon lang siya hindi makakasali.
"You can join pa rin naman kahit hindi ka na mag-ensayo. You've been playing that ever since," I consoled.
"Mga star player daw ang lalaban sa ibang department. Ayokong sumali ng walang praktis lalo't halos isang taon akong hindi naglaro. Hayaan mo na nga! Next year, babalik ako sa laban!"
Sabado, buong araw kaming gumawa ng props. Mahirap ito lalo't lalagyan pa ng palamuti at ilaw. Sinundo ako ni Olzen sa university dahil wala na silang praktis. Halos gabi na nang makauwi ako at sa sobrang pagod ay sa kama ang bagsak ko.
When Monday came, everyone is hyped up in the opening program. The foundation is open for outsiders kaya naman sobrang dami ng tao. May mga estudyante mula sa ibang pamantasan kahit sa unang araw pa lang.
Naghahanda kami para sa debate nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Olzen.
Olzen:
Good luck! Anong oras matatapos ang debate mo?
Nagtipa ako ng reply at hinayaan muna ang dalawang kasama na pag-usapan ang ibang diskarte para sa pagsagot mamaya.
Ako:
Thank you. Mamayang ala una. May laro kayo ngayon 'di ba?"
Olzen:
Yep. Watch me later at 3 PM. Hindi ako maglalaro kung wala ka.
Halos matawa ako sa reply niya. Lubos ang pagpaparaktis nila tapos hindi siya maglalaro? You must be kidding me, Rosales! This brute!
Ako:
Oo na. I'll watch.
Nang pinayuhan na kaming maghanda ay tinigil ko na ang pagre-reply sa mga mensahe ni Olzen. Kalaban namin ang department nina Olzen at dahil kilala silang mapagkumpitensya ay medyo kinakabahan ako. Dati na akong sumasali sa ganito pero syempre iba pa rin kapag college na. Isang 3rd year at 4th year ang kasama ko kaya naman naging panatag din ang kalooban ko.