Chapter 6

8.8K 311 52
                                    

Chapter 6

Mabilis kong nahanap si Kruise. She's with some of her classmates. Hindi na ako nagulat nang makita rin si James sa ibang table kasama ang ilan naming kaklase. I was not even shock to find Mica on their table.

If she's not Olzen's girlfriend, then what? And why do I care?

Umiling ako at nilapitan sila para makipagkwentuhan. Hindi rin kalaunan ay nagsimula nang kumain ang mga tao. It's already past seven. The party is catered by a famous hotel that's why the foods are exquisite. My wine pa ngang nakahain sa bawat table. Do I drink? No, but I have tasted some wines already.

Pagkatapos asikasuhin ang iilang bisita, tumabi na sa akin si Era. She's gabby that's why she get along with some of my classmate. Hindi rin lingid sa akin ang mga titig ni James sa kaniya. If something is in between this two, I don't know how I'll react. I know Kruise is not new to this, she had past boyfriends based from her stories before and James is not bad after all.

I wonder if how they can say that it's love they feel at this age. What's love anyway? Love is a universal language, and I believe that everyone has a different impression of it. But the love I know is far from reality because, in actuality, love is a short-lived virtue. Love is a promise that is meant to be broken.

Marami na akong nasaksihan na relasyon na nagpahayag ng matinding pagmamahal sa isa't isa pero hindi rin nagtagal. So I have long wondered, how is it called love when it doesn't last? When it's just for a fleeting moment?

Siguro masyadong imposible ang pagmamahal na alam ko pero naniniwala akong may gano'ng klaseng pagmamahal.

Ang pagmamahal na perpekto sa ano mang aspeto. Ang pagmamahal na hindi kailangang masaktan at mabigo. Ang pagmamahal na nagtatagal at hindi kumukupas kasabay ng mga bagay sa mundong ito. Ang pagmamahal na hindi napuputol kahit sa tagal ng panahon.

"Dito rin ba kayo magka-college?"

Natigil ang pag-iisip ko nang binuksan nila ang topic tungkol sa kolehiyo. I have my plans already. I will stay in the university even though my mother is suggesting another nearby university that offers accountancy too. Pareho namang quality education ang offer ng dalawa but of course, I want to remain loyal to our university.

"Ikaw, Kruise? Dito ka rin ba ulit? Hindi ka babalik ng Manila?" Tanong ni Mica.

Ngumuso si Kruise at humilig sa akin. Tiningnan ko si James na hindi pa rin inaalis ang titig sa kaibigan ko. He's looking at her like she's the only girl here. I smiled a little.

"Gusto nina Mommy na sa Manila na ako but I want to stay here. Dito tatapusin ni Kuya Olzen ang pag-aaral niya at gano'n rin ako." Kruise replied.

"Ako, gusto kong mag-Manila pero wala naman akong kamag-anak ro'n. I want to try AU or UST and the likes but I'm not yet fully decided." Si Lara.

"Ako, loyal pa rin ako sa university natin!" Ngumisi si Mica.

"Sus! Narito lang si Olzen, e!" Tukso ni Cherie.

"Hindi ah!" Namula si Mica at tumingin kay Kruise.

Lumapit sa akin si Kruise na mukhang may ibubulong. Nanatili akong walang reaksyon sa mga sinasabi nila.

"I have a chika." She whispered.

Kunot noo ko siyang tiningnan. She smiled at me and signaled 'later'. I rolled my eyes at her. Nagpatuloy ang kwentuhan at unti-unting nabawasan ang tao. Naubos na nila ang dalawang bote ng wine habang hindi ko pa nagagalaw ang sariling baso. Kanina ko pa binisita si Papa sa table nila at gano'n din si Lola Grace na kausap si Lolo Ben.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now